*RAYNE*
"Nice Yap! Oh isang set pa bago break" tumingin ako sa coach namin bago pumwesto sa court, pagkatapos ng training nagkaroon pa ng meeting bago ako dumiretso sa room, maaga pa kaya nag basa muna ako ng notes ko.
"Hey b***h! Parang di ka napagod sa training ah!" Tumabi sakin si Merrow at inalog- alog ako.
" ano ba" barumbado kung hinampas ang kamay nya sa balikat ko.
"Bat daw hindi mo nirereplyan si Frank sa insta.?"kumunot ang nuo ko sa tanong nya.
"Required bang replyan sya?" I rolled my eyes at binalik ang mata ko sa binabasa ko.
"Sus lastweek nga sabay kayo kumain sa Mcdo.? Kinindatan nya ako bago sinundot-sundot ang tagiliran ko.
"Kung di mo ako iniwan hindi kami sasabay kumain." Hinampas ko ang kamay nya at tinawanan nya lang ako.
"Kunwari ka pa! Hello! si Frank yun oh ang dakilang heartthrob sa Campus natin, tinulungan na nga kita para sa simpleng date nyo" Pumalakpak pa talaga sya.
"Hindi yun date gago" I rolled my eyes again and made a face.
"Ang pikon mo palagi pag tungkol kay Frank, crush mo siguro sya noh? Umamin ka." Dinuro pa ako ng walanghiya, sasagot pa sana ako kaso pumasok na ang prof namin, napabuntong hininga na lang ako at nakinig, pangisi ngisi pa sakin si Merrow pag napapatingin ako sa kanya.
"Kain na tayo Frank" biglang akbay sakin ni Merrow pagkatapos ng morning class namin at inakay na ako papuntang cafeteria, hinampas ko naman ang kamay nya at tinulak sya tinawanan lang ako ng gaga.
"Bat nandito yan" turo agad ni Merrow kay Lucas na katabi ni Astra pag dating namin sa lamesa.
"Bakit masama?" Tinaasan sya ng kilay ni Lucas.
"Oo te! Kasing sama ng muka mo." Benelatan nya pa si Lucas bago umupo.
"Babe oh inaaway ako." Pa cute na sumbong ni Lucas kay Astra.
"Hayaan mo na ganyan talaga pag walang jowa" tatawa tawang bulong ni Astra kay Lucas.
"Naririnig kita ah! Pasmado bibig mo cis." Sarkastikong bwelta ni Merrow.
"Tahimik ka Rayne ah! Ayaw ma hot seat?" Nahinto ako sa pagsubo ng pizza at tumingin kay Erl.
"Crush nyan si Frank ei" hinampas pa ako ni Merrow sa braso bago tumawa ng malakas.
"Para kang bata tang ina ka" mahina pero may diin kong sabi.
"Ayan napikon na nga HAHAHAHAHA uwi na doon uwi" tinawan nila ako kinakalampag pa ang lamesa kaya lumilingon samin ang mga tao sa malapit na sa amin, ako ang nahihiya sa ginagawa nila jusko.
" sa tagal na nating mag kakakilala ngayon mo lang sya magustohan?" Tumatawa pang tanong sa akin ni Lucas"
"Eww hindi ko sya gusto okay! nanggagago lang yan si Merrow, naniwala ka naman!" pikon na talagang sabi ko.
"Ayaw mo talaga?" Pang-aasar pa sakin ni Erl.
"Ayaw ko sa gwapong habulin ng babae." Seryusong sabi ko pero dahil ulol sila tinawanan lang ako.
"Narecord mo yun Lucas?" Tumatawang tanong ni Astra. I crossed my arms at Tinaasan ng kilay si Lucas.
"Katakot si Rayne babe" bulong nya kay Astra pero tumatawa pa rin.
"Ito naman si Rayne joke lang oy.? Tumatawa pa rin si Astra. Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy kumain.
"Ayan kasi pinikon nyo, baka mabutas ang bola mamaya sa training naku- naku." Pang aalaska parin sakin ni Erl.
"Oy captain Frank dito ka" biglang sigaw ni Merron, lumingon ako sa likod at nakitang kumaway pa si Frank bago dumiretso sa lamesa namin, nakipag apir pa sya sa mga kaibigan ko tinanguan lang ako bago sya umupo sa harap ko.
"Bat mag- isa ka lang saan sila Sed at Drake?" Binalingan nya ng tingin si Lucas.
"Iniwan ako ng mga gago!" pikon na sabi nya.
"Ayan Rayne may kasama ka ng pikon di kana nag iisa." I pursed my lips ng tumawa silang lahat, tinignan naman ako ni Frank bago ngumiti.
"Frank ang ganda diba ni Rayne?" Tanong ni Lucas na halatang nanggagago.
"Oo sana kaso ang sungit" he chuckled before he glanced to me.
"ay sayang rereto ko pa naman sana tong kaibigan ko na to sayo Frank kaso tagilid" tatawa tawang sabi ni Astra.
"Saya ka jan?" Sarkastikong bwelta ko kay Astra.
"Shayaa kha jhan" she mocked my word, I raised my middle finger to her, tinawanan lang ulit ako ng loka- loka.
"Sabihin mo sa irereto mo sakin Astra replyan ako" napahagalpak ng tawa ang mga kaibigan ko sa sinabi ni Frank, I pursed my lips and look away.
"Narinig mo yun Rayne replyan mo daw kasi" tumatawa parin si Lucas.
Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang i********: account ko, nakita ko ang message doon ni Frank na di ko pa na seseen, nireplyan ko ng tuldok at pinatay ko ang phone ko.
Nakita kong kinuha nya ang phone nya, at biglang tumawa na umiiling pa.
"Hoy wag ka naman tumawa bigla jan" binatukan sya ni Lucas " kinikilabutan ako sayo pre"may pa nginig - nginig pa si Lucas" ano yun? bat bigla-bigla kang tumatawa?"
"Wala pre may maganda lang na nag chat sakin." Nakangiting tumingin sakin si Frank kinidatan pa ako.
"Weeee! Patingin" nanlalaki ang mata ni Lucas sa kanya.
" anong patingin? Pisain ko kaya mata mo?" Natahimik naman si Lucas sa sinabi ni Astra at napakamot ng ulo.
"Bilisan nyo malapit ng matapos ang break" sabat ko para magtigil na sila.
Inaya ko na si Merrow dahil malelate na kami sa afternoon class namin, mabuti at nagpahila na sya sakin dahil malelate na nga kami, pagdating sa room namin saktong kakapasok pa lang din ng prof kaya nakaabot kami.
"Hoy babae mauuna na ako sayo, wag mag pakapagod sa training huh."
"Training nga ei! malamang mapapagod ako." Bobo talaga minsan tong si Merrow.
"Ediwow bwesit ka talaga" lumingon agad ako sa kanya.
"Oo! Ay lab yo na lang, lumayas kana nga" tinawanan pa muna ako ng gaga bago umalis, dumiretso ako sa locker room para kunin ang pamalit ko, isaaara ko na sana ang locker ko ng may biglang humawak sa balikat ko.
"Ay p**e" gulat na sabi ko.
"Saan?" Malakas na tawa sa akin ni Frank.
"Bat kasi nanggugulat ka!" Hinampas ko sya sa braso tumatawa pa rin sya.
"A-akal HAHAHA ak----HAHAHA aakalaa ko napansin mo ako kasi dumaan ako sa likod mo HAHAHA" hindi pa rin sya matapos katatawa kaya tinalikuran ko na sya.
"Hoy wait lang naman hintayin mo ako" tumatawa parin syang sumunod sakin. "Kayo ang gagamit sa gym ngayon no?"
" oo" maikling sagot ko.
"Ang tipid naman Architect" He chuckled.
"Muka mo Architect" mahinang bulong ko.
"Hindi ako Architect, engineer ako! engineer mo ayieee awit" nag heart sign pa sakin ang loko kinginang yan.
"Ulol" I raised my middle finger to him tinawanan pa ako bago ako hinatak at ginulo ang buhok ko.
"Awit jan nagsimula ang lolo't lola ko, sanaol" biglang sigaw nila Sed sa likod namin.
"Ma fall baga" tumatawang sabat naman ni Drake.
"Oppa saranghee!" nanggagago pa cute ni Lucas amp.
Bigla kaming napahiwalay sa isa't isa, I fake a cough bago tumalikod ang umalis.
"Wrong timing kayo mga bobo" Rinig ko pang sabi ni Frank sa kanila, dumiretso na ako sa gym nag palit muna ako ng damit sa Cr bago umupo sa bench hinihintay ang teammates ko.
"Oh Cap ang aga mong dumating ah" tanong ni Yanna setter namin.
"Wala kaming prof sa last subject" tumango naman sya bago ako tinabihan, dumating na rin ang iba kaya nag simula na kami, 10 pm na kami natapos palabas na ako ng gym nang makita ko si Frank sa gilid ng pader nakasandal naka Jersey pa sya, napaayos sya ng tayo ng makita ako.
"Hindi ko nakita yung motor mo sa parking lot kanina" lumapit sya sakin.
"Flat yung gulong, nag lakad lang ako kanina" tumango lang sya.
"Hatid na kita gabi na rin dilikado sa daan." Determinadong sabi nya, tumango na lang ako, abay mag papaka choosy pa ako? Libre sakay na to noh.
"Sa Monte Allegre Subdivision" pinagbuksan nya ako ng pinto na kotse .
"Alam ko" sagot nya bago umikot as driver seat.
"Doon din ako nakatira, nakikita kita doon, ewan sayo kung alam mong doon din ako nakatira.Pinaandar nya na ang sasakyan, tumango na lang ako pero hindi ko talaga alam na doon sila naka tira, I mean matagal ko na syang kilala pero hindi ko alam.
Nilalamig ako sa lakas ng aircon nya, napansin nya ata yun kaya hininaan nya saka inabot sakin ng varsity jacket nya, sinuot ko na yun dahil nilalamig talaga ako.
"Thank you" I smile to him bago ako bumaba sa sasakyan bumaba din sya.
"Thank you ulit" ngumiti agad sya sakin.
" welcome ikaw pa malakas ka sakin" kinidatan pa ako.
"Sige na pasok ka na! ingat sa pag uwi." Kumaway sya sakin bago pumasok sa loob ng kotse nya, tatalikod na sana ako ng tawagin nya ako.
"Ryane!"
"Oh" humarap ako sa kanya.
"Goodnight" nakangiti nyang sabi sakin.
"Goodnight din?" Patanong ko pang sabi sa kanya, tumawa lang sya bago kumaway ulit at tuluyan ng umalis, pumasok na ako sa gate nagulat pa ako ng makita si Papa na nakasandal sa hamba mg pintuan.
"Boyfriend mo nak" nakangiting tanong ni papa, agad akong umiling.
" hindi ah batch mate ko lang yun" pagtanggi ko agad.
"Bakit hindi? Gwapo naman ah" I pursed my lips and give my Dad a disapproval look.
"Choosy ng bebe ko" tinawanan pa ako ni papa bago inakay papasok ng bahay, dumiretso ako sa kwarto ko para mag bihis at ibaba ang bag ko, pag tingin ko sa phone ko may unknown number na nag text binuksan ko ang message, napakunot ang nuo ko sa nabasa.
"5 years na, manhid ka parin"