CHAPTER 2

1535 Words
*RAYNE* "You're late!"Nagulat ako pagpasok ko sa room napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat, tinitigan ko ng masama si Merrow isa sa mga kaibigan ko na nag archi. Dahil trip nya lang daw, tumawa sya ng malakas nang makita ang reaction ng muka ko. "Tumabi ka nga jan nakakalat ka ei." Tinulak ko sya ng mahina para makapasok ako. "Lolo mo Holyrayne Nazneen Yap." Napapikit ako ng banggitin nya ang buong pangalan ko, ito na naman tayo! di yan titigil hanggat walang nasasabing chismis. "At bakit mo kasabay si Frank huh? Nakita kayo kanina nila Selene, Jowa mo?" Derideritsong tanong nya sa akin, napakunot ang nuo ko sa kanya. "Pinagsasabi mo? nakasabay lang jowa na agad?"tanong ko din pabalik. Sinundan nya ako hanggang sa upuan ko, katabi ko sya kaya di nya ako lulubayan mabuti na lang at pumasok na ang prof namin at nag start nang mag lecture, nakinig na lang ako hanggang sa matapos ang pang morning class namin. "Tara cafeteria may 1 hour pa tayong break." Hinila agad ako ni Merrow at inakbayan palabas ng building namin. Pag dating sa cafeteria hinanap namin si Astra kumaway naman ito samin kaya dumiretso na kami sa lamesa nila. "what's up mga pok-pok."Bati samin ni Erl. "Muka mo pok-pok."Ganti ni Merrow sa kanya, tumawa lang ito bago tumingin sakin. "Ano?" Tanong ko agad nang mapansing kakaiba ang tingin nya sakin. "Nakita ko kayo ni Captain kanina ah so sweet!" She tease me while smirking. "Hoy oo nga pala may utang kang explanation!" Eksaheradang sabi ni Merrow, nakakunot naman ang nuo ni Astra na halatang naguguluhan. "Alam nyo mga tang ina kayo! sabing nag kasabay lang kami, iisang building lang ang engineering at architecture malamang mag kakasabay kami." Derideritsong paliwanag ko. "Dzai magkaibang floor ang engineering at archi. Ano yun gusto lang ikutin ni Frank ang buong building?" Bawing tanong ni Merrow. "At nakaabot sa six floor huh! ang alam ko nasa third floor lang ang ang room nila Frank ei." Erl tease me again. "Ikaw at si Frank may something?" Pasigaw na tanong ni Astra. Napasapo ako ng nuo ko dahil sa hiya, malamang maraming nakarinig may megaphone nga diba si Astra ngala- ngala pa lang jusko, peste talaga gigil akong tumingin sa kanila at mga hayop naka ngisi pa sakin. "Mag order na lang kayo"pagtataboy ko kay Erl at Merrow, tatawa tawa pa silang umalis at pumili sa counter. "So! what a good news." Nakangisi pa rin sakin si Astra ng maiwan kami dito sa lamesa. "Tigilan mo ako Astra huh!walang malisya doon shut up ok."Nagsusungit na turan ko. "Ohhhkay!" She said that teasingly. After ng lunch namin bumalik nadin kami sa room namin, accountancy ang kinuha ni Astra while Erl is taking BS chemistry kaya lunch lang kami nagkikita minsan hindi pa, we're friends since highschool kaya pare- parehong halang ang bituka namin. "Okay class that's all for today, past your plate the day after tomorrow." Lumabas na ang prof namin, last subject na namin yun sa afternoon class, nagugutom na ako kanina pa kaya mabilis kong niligpit ang mga gamit ko bago tumayo hinatak ko agad si Merrow palabas sa building. "Bilisan mo Merrow nagugutom na ako, Mcdo muna tayo." Aya ko kay Merrow. "Ay arat na libre yan ei." Agad na sagot ni Merrow. Pababa na kami sa building at sa kasamaang palad nakasabay namin si Frank pababa, napapikit ako ng mariin at nagpatay malisya na lang, binilisan ko ang lakad ko kaya napalakad din si Merrow ng mabilis. "Wait teka lang! teka lang te ang bilis mo naman maglaka~~~ owww hello captain Frank." Sigaw ni Merrow sa hallway. I rolled my eyes at kinagat ang loob ng pisngi ko para pigilang mainis, nagugutom na ako ei, humarap samin si Frank at nakipag apir pa ka kay Merrow. "Oy kamusta?"Tanong ni Frank, di ako sumagot malay ko ba kung sinong tinatanong nya. "Okay lang naman naghihingalo pa rin sa archi." Sagot ni Merrow sa kanya. "HAHAHA baliw dalawang taon ka na lang naman mag hihingalo sa archi. Push na yan." Balik na asar ni Frank kay Merrow. "Buti na lang kaklase at kaibigan ko si c*m Laude di ako babagsak sa archi." Balik na sagot ni Merrow sa kanya sabay tingin sakin. "Ano?"Bored na tanong ko kay Merrow. "Ay oo nga pala may bibilihin akong canvas at brush."Biglang sabi ni Merrow "mauuna na ako sayo Rayne kita na lang tayo bukas, Frank samahan mo tong kaibigan ko kumain nagugutom daw ei" dagdag nya pa bago sya tumakbo palayo samin. Napamaang ako at hindi nakapagsalita sa bilis nyang nawala sa harap namin. "Saan mo gustong kumain?"Tanong ni Frank sakin. "Di ako gutom!"Maagap na sagot ko. Tatalikod na sana ako sa kanya ng tumunog ang tyan ko, napapikit ako sa hiya at kinagat ang daliri ko,narinig ko ang mahinang tawa nya bago ako hinatak palabas ng campus, di kami nag uusap hinahatak nya lang ako na parang bata patawid sa overpass, natakam ako bigla ng matanaw ko na ang Mcdo, wait nga lang bat ba kami nag lalakad may motor naman ako! Huli ko na naisip yun kung kilan nasa harap na kami ng Mcdo pumasok na kami at pinahanap nya ako ng lamesa para samin sya na lang daw mag oorder. Umupo na ako malapit sa bintana maya maya dumating nadin sya bitbit ang tray na laman ang order namin. "Ito sayo." abot nya sakin sa mc float, rice, fried chicken at spaghetti. "Thank you." Nahihiyang sabi ko. Tumawa lang sya ng kunti at nagsimula na kaming kumain. "How are you? di ka ba nahirapan sa class mo?" Tanong nya sakin habang nakatingin sa foods nya. Tumaas ang kilay ko dahil sa tanong nya, ano sya si Dad ? "Ok lang! Sakto lang!" Sagot ko sa kanya. "Bat ba ang tipid mong sumagot? Kahit sa mga interview mo kapag may game kayo huh Ms. MVP?" Tanong nya na halatang nang aasar. "Tsk! Anong gusto mo sabihin ko? What's up people, ako nga pala yung MVP ganon?" Tanong ko sa kanya. Tumawa lang sya sakin, tinitigan ko ang muka nya na aamaze kung pano sya tumawa he has this awra na ma appeal talaga, lakas ng karisma ng lolo mo, perfect jaw line, small lips , perfect pair of brown eyes and perfect nose, wow! ang gwapo nga sanaol. "Done admiring my face?" Natigilan ako sa tanong nya, Umiling na lang ako at di sumagot. "ng ganda pala ng mata mo Holyrayne Nazneen Yap." Nakangiting sabi nya sakin habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko. "Oh tapos?" Tanong ko sa kanya pigil pa ang hininga ko at pilit na nilalakasan ang loob ko sa harap nya. "Wala lang! sabi ko lang maganda!" Sagot nya agad at nagpatuloy nang kumain. Ngumiwi naman ako at kumain na, hello gutom ako noh mas mahalaga ang pagkain duh. "Tapos kana?" maya mayang tanong nya. Tumingin ako sa plato nya at nagulat ng makitang ubos na yun, gutom din siguro to? O mabilis lang talaga sya kumain. "Wait malapit na." Sagot ko at binilisang kumain dahil tinititigan nya ako, nakakailang amp. "Done?"Tanong nya ulit nang makitang wala ng laman ang plato ko iniinom ko na lang ang float ko at tumango sa kanya bilang sagot. "Tara na!" Aya ko sa kanya habang pinapapak ang chocolate na nasa ilalim ng yelo sunusundot ko pa ng straw yun para makuha, natigilan lang ako ng tumawa ang nasa harapan ko. "Bilihan na lang kita ng chocolate kaysa simutin mo pa yan."Sabi nya sakin, tinigilan ko na lang yun at nakasimangot na lumakad paalis, sinabayan nya ako habang tumatawa parin ng mahina, yawa na yan. Hinila nya ako sa isang store, huli ko na napansing bumili sya ng dairy milk at inabot sakin pag katapos bayaran. "Ayan ang kainin mo hindi yung sinisimot mo yun." Natatawa nyang sabi sakin. I rolled my eyes bago ko tinanggap, sayang yun noh laman tyan din kaya tinanggap ko na. Lumakad na kami pabalik sa school kasi nandon ang motor ko at Kotse nya. Pag dating sa parking lot huminto ako at tumingin sa kanya. "Thank you sa pag-sama sakin." Nakangiti kong sabi sa kanya, natigilan sya at tinitigan ako kaya iniwas ko ang tingin sa kanya dahil nakakailang peste. "No prob. Next time ulit." Sabi nya habang hinuhuli ang tingin ko. "May training kayo?" Tanong ko at tumingin ulit sa kanya sabay iwas ulit putang ina na yan. "Yeah! Doon na ang sunod na punta ko." Hinuhuli pa rin nya ang tingin ko sabay ngiti ng tumingin na ako sa kanya. Pesteng to umalis kana badtrip. Nakangiwi na ako habang minumura sya sa isipan ko. Napansin nya ata naiilang ako kaya tinigilan nya nang tumitig sakin at iniwas ang tingin. "Sige alis na ako, paalam nya sakin. See you when I see you Ms. MVP"ngumiti pa sya ulit. "Wag mong sabihin yan baka di na ako maging MVP this season." nakangiwing turan ko sa kanya, tumawa lang sya. "Sige Ms. Architect na lang, bye Architect!" Kumindat pa sya sakin at kumaway bago umalis. Phew! Napabuga ako ng hangin bago sumakay sa motor ko hayp na lalaki na yun kinikilabutan ako tang ina. Pinaandar ko na ang motor ko at umuwi na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD