CHAPTER 1

1248 Words
*RAYNE* "Hoy! Ano di ka pa uuwi?" Pasigaw na tanong ni Astra sakin, ang kaibigan kong may megaphones araw -araw, ewan ko ba palaging nakasigaw ang lola nyo. "Wait lang ah! Baka di pa kasi ako tapos." I roll my eyes and pack my things, sa bahay ko na lang tatapusin tong research namin, nasa tambayan kasi kami ng school ngayon, di ko namalayan ang oras mag gagabi na pala. "Huh? Hakdog? Punyeta dalian mo may training ang basketball player natin ngayon sa gym, kaloka ka bilisan mo king ina." "Bat ba nagmamadali ka? player ka ba huh player ka?"Iritableng tanong ko sa kanya. "Ay wow huh!"Eksaheradang sabi nya nakahawak pa sa dibdib. FYI te jowa ko isa sa mga best player natin kailangan ko manood mag checheer ako dzai." Dagdag nya pa. "Ewan ko sayo!"Yun na lang nasabi ko, napabuntong hininga ako at sumunod na sa kanya, ano pa nga bang magagawa ko. Pagdating namin sa gym nag sisimula ng mag training mga player may nadaan pa kaming nag tetraining sa field mga track and field ata, Volleyball player ako, nextweek pa kami mag tetraining matagal pa naman ang game namin, mauuna ang basketball game kaya mas nauna sila sa amin mag training na lagi namang nangyayari. Third year college na ako may dalawang taon pang paghihirap bago maka graduate, hindi pa naman ako napapatalsik sa architecture kaya tuloy ang laban. "hoy ano na? tatayo ka lang jan? Abay te di ka mag kakajowa sa pagtayo tayo mo jan!" Sabi ni Astra sabay tawa, gago talaga. Umupo na lang ako sa tabi nya at nilabas ang books ko may quiz pa kami bukas kaya mainam na mag review na lang ako habang hinihintay sya. "Ang galing talaga ng baby ko masarap pa."Biglang sabi ni Astra sa tabi ko. Gulat akong tumingin sa kanya na may pagkadigustong reaction sabay iling na lang at binalik ang tingin ko sa aking binabasa. "Ay putang ina."biglang sigaw ko sa gulat ng matamaan ako ng bola sa braso, napapikit ako ng mariin dahil sa pikon at malalim na bumuntong hininga, pilit na kinakalma ang sarili ko. "Luh gago! okay ka lang Rayne?" Tanong ni Astra na halatang pinipigilang tumawa, kinginang yan. "hala Rayne Sorry ito kasing si Frank ei napalakas ang pasa."Sabi ni Lucas, boyfriend ni Astra sabay turo kay Frank na captain ball nila tumango lang sya sakin bilang paghingi ng dispensa. Schoolmate namin si Frank at Lucas pati yung ibang player simula highschool. sikat yan si Frank kasi daw talented, matalino at gwapo daw, classmate nya dati sila Merrow at Astra mula grade 7 hanggang grade 8, naging close sila dahil naging Si Astra at Lucas na tropa ni Frank kaya minsan nagkakasama sa galaan. "okay lang ako sige na balik na kayo sa game."Sabi ko na lang kahit masakit kingina. "HAHAHAHAHAHA anghel ka ghorl bait mo ngayon ah HAHAHAHA ."Tawa ng tawa sakin si Astra. "Hahampas ko sayo tong libro kapag di ka tumigil." Pikon na sabi ko sa kanya at tinawanan pa ako ng malakas, napatingin tuloy samin yung mga players kingina. "Uuwi na ako kasabay mo naman si Lucas umuwi." Pagpapaalam ko sa kanya. "Ge sige ingat mamatay ka sana." Tumawa pa ulit sya, umiling na lang ako at lumakad paalis, dumiretso ako sa parking lot malapit na ako sa motor ko ng mag ring ang phone ko, huminto ako saglit at tinignan kung sinong caller napabuntong hininga na lang ako bago sinagot ang tawag. "Ano?" Tanong ko agad. [HAHAHA walang hello man lang? grabe sya oh?] Caller. "Ano yun Bryte?" anong ko ulit. [ hoy ate mo ako huh, anong Bryte-Bryte sapak ka sakin.] Caller. "Ano ngang kailangan mo?" Iretableng tanong ko ulit. [ well uuwi na ako jan sa Pilipinas for good and you know naman na I miss you so much and you miss me too, tumawag na ako kila mama ininform lang kita para di ka magulat pag naka uwi ako.] Mahabang sabi nya pa hayss. "Oh tapos?" Tanong ko ulit. [Wala kang kwenta kausap kahit kelan] pasigaw nyang sabi. I smirk and end the call tumuloy na akong maglakad at sumakay sa motor ko at pinaandar pauwi sa bahay. "I'm home". I greet my mom and kiss her cheeks. "How's school?" Tanong agad ni mama. "Okay lang ganon parin, akyat na ako Ma may tatapusin pa akong plate at research." Paalam ko kay mama. "Sige I'll call you na lang pag ready na ang dinner."She smile to me at tinulak na ako paakyat sa hagdan. Pagdating sa kwarto nag shower muna ako bago ko tinignan sa salamin yung braso ko, namumula yun lalagyan ko na lang ng yelo mamaya, tinapos ko na ang research paper ko bago ko sinimulan ang plate ko, ilang minuto na akong nakakatitig doon wala pa rin akon maisip kaya nag online na lang muna ako sa i********:, pag bukas ko ng i********: ko may message sakin. "Frank_ashh"Basa ko. Inopen ko ang message nya. Frank_ashh: sorry kanina. Iniisip ko kung rereplyan ko ba o wag na lang, sa huli nag react ako ng thumbs up sa kanya at nag scroll na lang ako, nang magsawa pinatay ko ang phone ko at sinimulan na ang plate ko. "Hey baby the dinner is ready!" Tawag sakin ni mama bumaba na ako, naabutan ko si Papa at Kuya sa lamesa nasa kusina si mama para kumuha ng juice umupo na ako at nagsandok ng kanin. "Hey what's up dude!" Bati sakin ni kuya. Di ako sumagot at nagpatuloy kumain. "Ang sungit sungit ng darling bebe mo papa!" sabay tawa ng kumag tumatalsik pa ang pagkain sa bibig nya kadiri talaga. "May period ata" sabat ni mama galing sa kusina. "Wag nyong awayin bebe ko HAHAHAHA !" Nakisabay pa si papa hay naku. "Sanaol masaya noh!"Sabi ko na lang, wala akong masabi ei. "Kamusta work? mahirap?" Tanong ko kay Kuya. "Hindi naman sakto lang, maraming pasyente kanina babalik ako mamayang madaling araw sa hospital." Seryusong sabi nya, Doctor sya sa hospital nya oo hospital nya, 28 pa lang sya pero may hospital na, Pamana ng Lola namin, sya ang panganay kaya sa kanya pinamana. Pagkatapos kumain umakyat na ako sa kwarto at tinapos ang plate ko, 2 am na ako natapos pinicturan ko muna bago pinost sa story ko, dumiretso na ako sa bathroom at nag shower, nakabihis na ako pag labas simple night dress lang ang suot ko bago dumiretso sa salamin at tinuloy ang skin care ko bago natulog. Maaga akong nagising kasi 7: 00am ang klase ko malayo pa ang school baka matraffic ako kahit antok na antok ako pinilit kong bumangon. Pagdating sa school nagmamadali akong bumaba sa motor ko malelate na ako paliko na ako sa corridor ng may makabunggo ako, pinulot ko agad ang gamit ko ganon din sya I check my things bago tumayo, mag sosorry na sana ako ng mapagtanto kung sino ang nasa harap ko. "Sorry di kita nakita nagmamadali kasi ako."Sabi ni Frank. "Ahh okay lang sorry din." "Sabay na tayo same building lang naman tayo."Nakatingin sya sakin kaya iniwas ko ang tingin sa kanya. Tumango na lang ako bago sumabay sa kanya. "So ahhm kilan training nyo?" tanong nya. "Nextweek pa bakit?" Tanong ko din bigla akong nahiya puta. "Wala natanong ko lang! Oh pano sa engineering department na ako see you when I see you." Dagdag nya bago kumindat sakin at lumiko sa pasilyo papuntang engineering department. Napakunot ang nuo ko at umiling na lang bago dumiretso sa room ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD