Chapter 79

1316 Words

"Good Morning!" malawak ang ngiting bati ni Joshua kay Miyanna ng mapagbuksan niya ito. "Ikaw na nga ang huling taong nakita ko kagabi, Ikaw pa bubungad sa akin ngayong umaga," sambit ng dalaga at saka ito tinaasan ng kilay. Mukhang day-off nito kaya alas diyes pa lang ng umaga ay nambubulabog na. "Na-miss ko kasi mangapit-bahay, eh. Sa sobrang pagka-miss ko nga muntik na naman akong maging akyat-bahay kagabi." "Dapat talaga pataasan ko na itong pader ng bahay ko at palagyan ko pa ng barbed wire para ligtas sa mga nagbabalak na pasukin ako." Natawa lang naman ang binata sa tugon ni Miyanna. "Kahit gaano pa kataas at kahit masugatan pa ako aakyatin ko pa rin iyan makita ka lang." "Tigil-tigilan mo ako sa mga ganyang banat mo at baka ikaw ang mabanatan ko," Inirapan pa niya itong muli.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD