Nitong mga nakaraang araw ay walang humpay talaga ang pambubulabog ni Joshua kay Miyanna kaya naman pakiramdam ng dalaga ay sumasayad na sa semento ang buhok niya sa sobrang haba. At the very least Joshua knew that she really doesn't like fancy things. Flowers and chocolates aren't also her cup of tea kaya naman sa tuwing sumusulpot ito sa bahay niya ay ipinagluluto at pinagsisilbihan siya niyo na animo ay isang ulirang asawa. "In all fairness, ha? Your pork igado is really good," puri ng dalaga habang ngumunguya at ninanamnam ang lasa ng iniluto ni Joshua. "Sabagay, lahat naman ng iniluluto mo masarap." "Ayos ba? Pasado ba sa panlasa mo, Binibini?" malawak ang ngiting sagot naman nito at saka umupo sa harapan niya. "Approved and highly recommended, Binobino," pabirong sagot naman ni M

