Ilang oras ng nakahiga si Miyanna pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Napaka raming tumatakbo sa isipan niya. Mugto na rin ang mga mata ng dalaga kaka-iyak. Iniisip niya kasi kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang kapag sinabi niya ang masamang balita. Mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa unan. Alam niyang hanggang ngayon, tulad niya ay umaasa pa rin ang mga ito na buhay pa si Raymond. Sakali man kasing totoo iyon ay hindi niya kayang makita ang dobleng sakit na mararamdaman ng mga ito lalo na ng kaniyang ina kaya naguhuluhan na talaga siya. Hindi niya na alam ang gagawin. Higit sa lahat, Saan din siya kukuha ng lakas ng loob na harapin ang ama? She can't even forgive herself for being the cause of her brothers's death kaya maiintindihan niya ang

