"Hi, good morning," bati ni Benjamin ng pagbuksan ito ni Yanna ng pinto. "May dala akong Pizza." Iniangat pa ng binata ang bitbit na kahon upang ipakita iyon sakanya. He's smiling but he seems gloomy. Napakalayo sa dating awra nito kapag dinadalaw siya. Alam niyang siya ang problema nito. Siya lang naman ang madalas magbigay ng sama ng loob sa binata kaya sigurado na siya doon. "Thank you! Saktong-sakto sa cravings ko. Iba talaga ang living guardian angel ko." pilit niyang pinasigla ang boses. "Tara na." Tinalikuran niya ito at nauna na siyang pumasok dahil pakiramdam niya ay babagsak na ang luha niya anytime. Hindi kinakaya ng konsensya niya ang nakikitang lungkot sa mga mata nito. "Hintayin mo na lang ako dito. Kukuha lang ako ng maiinom," she said saka madaling tinungo ang kusina at i

