Pagkatapos nilang kumain ay nagpalipas muna sila ng isang oras bago simulan ang pag-inom. Habang abala ang mga kaibigan sa paglalaro ng scrabble ay naligo na muna ang dalaga para naman ramdam niyang belong siya sa pajama party nila. "Wow! Parang teleserye lang pala ano? Akalain mo. Nangyayari rin pala iyon sa totoong buhay? Pero sana meron ding offer na isang milyon kapalit ng paglayo sa anak niya para mas maganda 'di ba?" sarkastikong sambit ni Crizel matapos mai-kuwento ni Miyanna ang nangyari kanina. "Sakali man pala na magkatuluyan kayo ni Joshua, isa ka sa mga babaeng mamalasin sa in-laws," nakangiwing sambit naman ni Roxanne at saka tinungga ang laman ng shot glass. "Masarap pala ito," komento pa nito at saka bumaling kay Crizel na siyang nag-mix ng iniinom nilang Suju na hinaluan

