Ingay na nagmumula sa doorbell ang gumising kay Miyanna. Wala siyang balak pansinin iyon kaya naman dumapa siya at tinakpan ng unan ang ulo kaya lang ay mukhang wala ring balak umalis ang kung sino mang nasa labas dahil patuloy pa run ito sa pag pindot sa doorbell niya. Inis na bumangon ang dalaga at bahagya pa nga itong napangiwi sa biglang pagbitik ng sentido. Nang lingunin niya ang orasan na nakasabit sa pader ay mas lalo pang nalukot ang mukha niya. Sino naman kayang poncho pilato ang bubulabog sakanya ng ganoon kaaga? Alas otso pa lamang ng umaga. Alas tres ng madaling araw na kasi silang natapos mag-inuman kaya naman himbing na himbing parin ang mga kaibigan. Mayroon pa namang dalawang kwarto sa bahay niya pero mas pinili talaga ng mga ito na magsumiksik sa kwarto niya. Si Cheryl

