Naalimpungatan si Aika sa sunod-sunod na katok mula sa kanyang pinto. “Aika! Open this f*cking door!!” Her mom is furious again. Agad na pumasok sa isipan niya ang kahapon. Did her mom find out? Oh no! Kahit na kinakabahan ay wala siyang nagawa kundi pagbuksan ito ng pinto dahil mas lalo lang itong magagalit kapag mas pinatagal pa niya. She just woke up from a beautiful sleep pero hindi niya akalain na masisira agad iyon the moment she wakes up. “M-Mom, ano na naman ba--” Ni hindi man lang siya pinatapos magsalita ng mommy niya nang isampal nito sa mismong pagmumukha niya ang results ng quiz nila nung nakaraan. Pati ba naman iyon? “Ouch. Mom! Ano ba?! Thats just a quiz!” Napataas ng boses si Aika. Her mom is overreacting again. Sobra na ito! “Just a quiz?! This will still affect your

