HINDI pa man tumatagal ng isang araw sa university ay mukhang may kaaway na si Mikael kahit wala naman itong ginagawa. “Hindi ibig sabihin na porke tutor ka ni Aika, puwede ka nang sumama sa ming dalawa.” Harang agad ni Trayvon kay Mikael pagkatapos ng klase nila. Sinamaan agad ito ng tingin ni Aika sabay siko ng mahina. “Tray, isa.” She warned him. Pasaway talaga ito kahit kailan. Palibhasa, ayaw niya na may umagaw sa atensyon ng best friend niya. In this world, gusto niya lang ay silang dalawa ang magkakampi at walang ibang eeksena. All his life, he wanted the best for her. “Why? Mas gusto mo ba siyang kasama kaysa sa ‘kin, Aika?” Tumaas ang kilay ng dalaga. Ano bang pinagsasabi nitong si Tray? Why is he being like this? “Para kang bata. Stop it, Tray. Nakakairita. Hindi mo ba n

