AKALA ni Aika ay matatapos na ang luha niya pero hindi pa la. Tila nanuot sa buo niyang sistema ang mga sinabi ni Mikael sa kanya habang natutulog siya. Kahit pa akala ng binata ay natutulog lamang siya. She was just pretending that time pero hindi niya alam na magiging ganon kasakit pa la ang pagpapanggap niya na tulog siya. “Mikael is leaving, Mom,” aniya sa mommy niya na umiinom ng tsaa sa kanilang balkonahe. Umagang umaga ay hindi maganda ang gising ni Aika kapag iniisip at inaalala niya ang mga sinabi ni Mikael mismo malapit sa kanyang tenga. “What are you saying? Saka, ano namang pakialam ko sa batang ‘yon? E saling pusa lang naman ‘yon sa pamilya. Bakit? Sasama ba loob mo kapag umalis siya? Tsk. Tigil tigilan mo nang pagkakagusto mo dyan sa lalaking ‘yan. Wala kang mapapala. M

