HINDI maipaliwanag ni Mikael ang tuwa at kaba na nararamdaman niya dahil sa wakas ay makakaapak na siyang muli ng Pilipinas. Umalis siyang mag-isa pero may kasama na siyang babalik. Si Cheska.He is so excited na medyo kabado. Pero heto na. Nandito na siya. Aatras pa ba siya? Ngayon pa ba? Nang mag land na sila ng airport at palabas ng ng departure area ay napansin ni Cheska na kanina pa tahimik ang nobyo niya. She held Mikael’s hand. “Honey, are you okay?” she asked with a worried tone. Ngumiti lang si Mikael. Nandito nga pa la si Cheska. Masyado siyang nilalamon ng iniisip niya. Lumilipad ang utak niya kay Aika. Ang daming mga tanong sa kanya. Kamusta na kaya ito? Masaya naman ba siya sa buhay niya ngayon? Naaalala pa ba niya ang binata? Yon ang mga bagay na iniisip ni Mikael. Kung

