LABIS LABIS at halos hindi mapaliwanag ang pag-aaalala ni Aika sa binata hanggang sa makauwi na siya. Plilit niyang pinagtatagpi kung ano ang posibleng dahilan ng pagkakahimatay na lang lagi ni Mikael. Hindi puwedeng nagkataon lang iyon. Napakaimposible naman yata? O sadyang anemic lang ito? Ang daming tumatakbo sa isipan niya na hindi niya man lang malaman ang totoong dahilan. But for now, she wants to talk to Mikael. At hinihiling nya na sana paunlakan siya nito. “You’re thinking so deep again. Hindi ko na naman maabot. Parang hndi na naman kita kasama.” Puna sa kanya ni Trayvon while he was putting her vanilla ice cream at their table. Tinupad naman ng binata ang ice cream na pinangako niya kay Aika dahil alam din naman niya na medyo masama ang loob ng dalaga dahil sa nangyari kanin

