NANLALAMIG pa rin ang mga kamay ni Aika hanggang ngayon. Totoo na to. Hindi niya alam kung dapat na siyang matuwa dahil nakauwi na si Mikael. Pero mukhang kabaliktaran non ang naramdaman niya nang malaman niyang may nobya na ang binata. Bakit hindi ko kayang tanggapin? Limang taon na ang nakakalipas pero ang lahat sariwa pa rin. Aniya sa sarili. Hindi siya makapagtrabaho ng maayos. Hindi niya alam kung paano niyang iraraos ang araw na ito with Mikael in her mind. She is so distracted. Tinatanong niya ng paulit ang sarili niya kung bakit hindi niya magawa gawang kalimutan si Mikael. Lalo pa kaya ngayon na siguradong araw-araw na niya itong makikita? "Aika, prepare your things. Malapit na out natin." Paalala sa kanya ni Tray. Tuloy ay natigil siya sa pagmumuni-muni niya. Humugot muna si A

