Alas syete ng gabi sa mansiyon ng mga Mondragon kung saan abalang naghahanda ang dalagitang si Cassi sa kanyang sarili ay merong kumatok sa labas ng kaniyang pintuan. “Come in” simpleng sagot ng dalagita. Bumukas ang pintuan kong saan pumasok ang kanilang katulong. “Ma’am nasa baba na po sina Ma’am Yuki at Ma’am Janice” mahinahong sabi ng katulong. Ngayong gabi ang thanksgiving at wedding anniversary ng magulang ng kaisa isang kaibigan ni Cassie na si Sandra. Lahat sila ay inimbitang pumunta sa engrandeng celebrasyon ng mga chua. Mabilis itong iniligpit ni Cassi ang kanyang mga gamit at agad itong lumabas sa kanyang silid at dahan dahan na bumaba ng hagdan papuntang first floor ng kanilang bahay kong saan ang kaniyang dalawang kaibigan ay naghihintay sa kanya. Nakasuot ang dalagita ng R

