CHAPTER 21: PRESENT EVENT Alas syete ng gabi sa mansiyon ng mga Mondragon kung saan abalang naghahanda ang dalagitang si Cassi sa kanyang sarili dahil ito ay merong pupuntahan na okasiyon kasama ang dalawa niyang kaibigan na sina Janice at Sandra. Habang ito’y naghahanda ay biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid na siyang kaniyang itinigil sa paglalagay ng gamit sa kanyang maliit na bag. Ito’y lumingon sa kanyang likuran kung saan isang matandang babae ang nakatayo na siyang nakasuot ng pulang bistida. “Janice and Sandra are waiting for you. Are you done fixing yourself?” ngiting sabi ng matandang babae habang pinagmamasdan ang mukha ng dalagita. Umupo ang dalagita sa kanyang sariling upuan at pinagmasdan ang kaniyang mukha sa isang malaking salamin. “I am always ready for this m

