Breakfast and my Rival!

882 Words
Sa harap ng bahay nila Inay sa tabi ng aming bakod ay may dalawang malagong puno ng Fiddle Tree. Napakalilim, at dito sila nagtayo ng simpleng kainan pahaba na kung saan lahat kami ay kakasya. May bubong, lamesa at built in chairs. Kahit katanghaliang tapat ay malamig gawa ng lilim. Sa gabi naman ay maliwanag kapag binuksan ang lightbulbs which were installed around the place. Meron ding varities ng Adenium sa paligid na iba iba ang kulay. Green thumb kasi sila Inay at Itay. Bukod duon, madami pa silang ibang halaman na sobrang gaganda. They are such beauties. Pagpasok namin sa gate ay naghahain na si Grace, Missy Alyssa at Vina sa mga dahon ng saging, habang sina Lando, Gary at Simon naman nag-aasikaso sa malaking kaldero ng sinaing na balinsuso. Si Ashley naman ang nagtatawag sa mga nakatira sa paligid pra sa masaganang almusal. Isang boodle fight ang magaganap. Maya-maya nagsimula ng magdatingan ang mga kamag-anak sa paligid. Dala dala naman ni Tany at Michael ang nga dagdag na upuang gagamitin. Inilalabas naman ni Ate Lena ang hinalabos na hipon galing sa fish pond, at ni Kuya Victor at Itay ang pritong tilapya at tinapa. Naggisa din ng kamatis na may itlog. Sina Tya Sofie at Tyo Herman ay may dalang mga itlog na pula at porkchop. Sina Tya Vita at Tyo Kardo naman ay pritong okra, talong na bilog at buro. Sina Tya Lilly at Tyo Azer ay nagdala ng mga kape, orange juice at malamig na tubig. Wow ang sasarap, sabi nila Engineer Nico. Ito ang miss na miss ko sabi ni Boss Val. Sulit ang bakasyun bago sumabak sa trabaho, sabi naman ni Foreman Zaldy. Kasi meron silang 8 days bago bumalik ng Manila apara simulan ang nadisgrasyang project. Bumagsak kasi ang isang bahagi ng pinapatayong sikat na 5 star hotel na hawak ng kanilang subsidiary, dinaya ang budget at kinasuhan ang manager, so the head office should take part of handling the case. Habang di pa nasesettle yung argument, sinamantala nilang makauwi ng maaga at makapagbakasyon kahit ilang araw bilang pahinga. Ang mga Dubai buddies nya puro halos mga binata pa, si Boss Val lang ang pamilyado kaya mamayang hapon ay uuwi na din sya ng Manila, tutal, ang pagtatayo naman ng dream house namin ay si Engineer Nico at Foreman Zaldy lang ang hahawak. Sige mga brad, kain na tayo. Ako naman ay tumayo at kumuha ng food for Marty na sya namang sinamantala ni Valeria para makaupo sa tabi ng soon to be hubby ko. Parang nangaasar pa ang pagkakangiti nya. Valeria, may nakaupo na dyan bakit dyan ka pa pumuwesto sabi ni Tyo Azer. Eh paborito po namin ni Marty ang hipon kaya dapat tabi kami, tulad ng dati. Nakasibangot namang sagot nya. Valeria, bakit di mo na ginalang ang Kuya Marty mo, saad ni Tya Lilly. Hinde ko naman po sya kaano ano at tsaka magkaibigan naman po kami, sabay tingin ky Marty. Tiim bagang lang akong nakikiramdam. Marty, di ba dati ikaw ang nag aasikaso sakin kapag kakain tayo ng hipon, ipagbalat mo naman ako, sabay sandal sa balikat nya. Napatingin sakin si Marty at nahuli nyang nag- aapoy na ang tingin ko. Mahaderang babaeng to, sabunutan kya kita dyan, lantutay ka, sa loob loob ko. Ngumiti lng si Marty at tumayo, Valeria ang ate Ara mo muna ang ipagabbalat ko. Malaki ka naman na at sanay ka ng magbalat, di ba. Sige sa kabilang dulo na lng po kami pupwesto ni Ara, Tyo Azer. Cowboy naman tong si Ara, walang arte sa katawan kahit nakatayo lng kami, ayos lng. Marty, sigurado ka na ba sa desisyon nyo na magpakasal sabi ni Tya Lilly, nadinig namin kagabi ang proposal mo, nakakakilig. Nagkatinginan lng kmi ni Marty, sabay halik nya sa noo ko at akbay sa balikat ko. Tyang wala na po akong mahahanap na katulad ng asawa ko. Malaki na dn ang hirap nyan sakin, alam nyo ba. Kundi yan matyaga at pasensyosa, malamang iniwanan na ako. Tugon ni Marty. Hmmp dapat bang seryosohin ang haliparot? Boommm.... Lahat kami ngtinginan sa nagsalitang si Valeria. Biglang nanlaki ang aking ulo. Ah so ikaw pla ang nagsumbong na hinatid ako pauwi ni Kuya Elpie at Ate Mary na pinapalabas mong lalaki ko. Di ko napigilang turan sa kanya. Nakakapanggil at nakakanginig ng laman. Namutla si Valeria at nanginginig na di makapagsalita, lahat ng mata ay nakatuon sa kanya at nag-iintay ng sagot. Nagpupuyos ang damdamin ko, prang gusto kong manakal, Pero Ara relax ka lang at wag kang pumatol sa mahaderang batang yan, pero naku talaga nanggigigil ako. Ano di ka makasagot? Tama na tama na, nasa harap tayo ng grasya, kain na. Nakakahiya sa mga bisita, pang-aawat ni Itay Narding. Lahat ay ngpatuloy sa pagkain, si Marty ay nagbabalat ng hipon at nagpapasubo naman sakin, parang pinapakita nyang ako lng ang mahalaga sa kanya pero paano akong gaganahan sa pagkain sa ganitong sitwasyon. I cannot accept the fact na may humaharang sa amin ni Marty. Si Valeria naman ngme make face na parang bata habang bubulong bulong..... Palihim ko syang tinitingnan at kitang kita ko ang selos sa kanyang mga mata. Lahat dn ay nakikiramdam at tahimik lang sa pagkain. Ang isa sanang masaya at masaganang agahan at nauwi sa isang tensyonadong sitwasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD