Ang Komprontasyon....

646 Words
Hinintay lang nya sigurong makatapos ang lahat kumain ng bigla lumapit samin si Valeria. Marty malapit na ang birthday ko di ba nangako ka saking magdi dinner tayo? Sabi mo sa chat di ba? Isa pa malapit na kong makagraduate. Kaya yun na lang ang gift mo sakin. Malambing nyang ngiti kay Marty. Ah sige mgpapahanda ako pra sama sama tayong lahat kumain. Isa pa 1 week lang kami dito at magiging busy na ako, gusto ko sana na samantalahin na makasama ang asawa ko at sina Inay habang nandito pa ako. Hmmmp iniintindi mo pa yan eh my tagahatid nga dyan. Hoy Valeria, anung sinasabi mong may naghahatid? Sila Kuya Elpie at Ate Mary yon, kilala mo naman yung kotse nila hinde ba. Sabi ni Missy. Magkasama tayo sa kanto nung nakita natin sila. Natural lang isabay na nila si Ate sa pag-uwi dahil ginabi sa trabaho at magkakasama naman sila sa banko. Wala namang nglalakas loob na umimik. Eh bakit last year umalis yan ng my dalang maleta, 10 araw yan halos di umuwi rito, malay ba natin san nagpunta yan, eh tinanung ko si Ate Mary nag emergency leave daw. Bakit pag ba nag file ng leave ibig sabihin nanlalaki na? Emergency nga eh, may pamilya dn naman inaasikaso si Ate, sabi ni Gary. Anung emergency, eh di sana alam nila ate Mary san ngpunta kso wla silang idea, walang lubay na sagot ni Valeria. Nsa Dubai sya nun, sagot ni Marty. Napamaang ang lahat. Yeah, kung mga September yun, tama nasa Dubai siya nun. Bilang patotoo ni Engineer Nico, sabay tango nila Boss Val at Foreman Zaldy. Napapakapit ako ng mahigpit sa bewang ni Marty na parang gusto kong maluha pero sadyang matapang ako at di ko ugaling ipakita ang pagluha ko sa ibang tao. Eh di lalo talagang makiri, di makaintay na umuwi at sya pa nasugod dun pra lumandi, sinasayang ang libo libong pera sa pamasahe, maarteng sagot ni Valeria. Valeria, anu ka ba tama na, madiing sabad ng Tya Lilly. Nagpanting ang tainga ni Marty sa narinig at pinagtanggol ako. Kahit kelan Valeria di ko kinukwenta ang pinaghihirapan kong binibigay sa inyo. Asawa ko si Ara, natural lang na bumisita sya sakin. Kundi sya mainam humawak ng pera eh di wla sana kaming pundar. Lahat ng pinaghihirapan ko ay may karapatan ang asawa ko. Lahat ng ito ay para din sa kanya at sa binubuo naming pamilya. Tumigil ka na at wag mong intaying lalong uminit ang ulo ko sayo. Sa pagkakataong ito nakikita ko na ang kalaban at kakampi. Natahimik si Valeria sa sagot ni Marty. Bakit ka nga ba nagpunta pa sa Dubai eh darating naman na si Marty ngayong taon, sabad ni Ate Lena. Di ka nagsabi sa amin. Kasi po, nauutal kong sabi, di ko maituloy. All eyes ang ears sila sakin. Pakiramdam ko sasabog na ang tinitimpi kong luha sa sama ng loob kya di ako makapagsalita. Niyayakap ako ni Marty para kumalma. Naaksidente kasi nun si Marty, saad ni Bos Val, salitan lng kami sa pagbabantay, so naisipan naming tawagan si Ara para siya ang mag asikaso, pero pagkalabas na pagkalabas nya sa ospital, yun din ang araw ng flight nya pabalik dito sa Pinas.. Aba, anung aksidente, sabad ni Itay. Bakit nilihim mo samin Ara? Naiiyak na ako at ng mapansin ito ni Marty, siya na ang sumagot. Kasi po iyon ng utos ko sa kanya. Pasensya na po kayong lahat at ayaw ko lang talagang mag-alala kayo. Bata ka, mapapatay mo kami ng Itay mo sa nerbyos, anong ilihim ang sinasabi mo. Dpat pinaalam mo sa amin at ng kahit sa panalangin ay makatulong kami. Ara, sa susunod, magsasabi ka, ayaw ko ng maglilihim kayo sa amin lalo at pamilya tayo. Opo Inay, pasensya na po kayo.. Oh di ba, wala nga po syang pakialam sa inyo Tiyang, singit ni Valeria..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD