Ang Rebelasyon

983 Words
Hinde nako nakatiis at galit kong hinarap si Valeria, kanina pako nagtitimpi. Valeria, ano bang pumasok sa kukote mo at gumagawa ka ng kwento. Kaya siguro iba ang pagtingin nila sakin dahil sa mga tsismis mo para sirain ako. Mataray na humarap si Valeria at tumayo. Dahil ikaw, di ka karapat dapat kay Marty, akin lang sya. Nakilala ka lang sa kung saan. Sina Engineer Nico ay nagsitayuan na dahil wala naman silang kinalaman sa gulo. Pero mataman pa rin silang nakikiramdam. At sino ang karapat dapat ikaw? Di ka na nahiya sa magulang mo at pati pinsan mo pinagnanasaan mo. Anong nakilala sa kung saan ang sinasabi mo? Di pako tapos magsalita, sumasabat na si Valeria, oo ako. Ako ang pra sa kanya, nanggigigil nyang tugon. Dahil bata palang kami, magkasama na kami. Kilala namin ang isa't isa at di ko sya pinsan, hinde kami magkaano ano. Alam kong gusto din niya ako, malambing siya sa akin at maalaga. Di ba Marty, gusto mo din ako, kundi mo lang nakilala yang babaeng yan. Ako sana. Bakit di na lang ako, sana ako na lang Marty. Sana .... Pakkkkk..... Isang malakas na sampal ang inabot ni Valeria galing sa kanyang ina... Namumula na sa pagkapahiya si Tya Lilly sa kalandian nitong babaeng to. Napakawalang modo mong bata ka. Sabay hila sa buhok ni Valeria. Umuwi ka sa bahay at dun kita kakastiguhin. Sigaw ni Tya Lilly habang inaawat naman ni Vina. Ang Tyo Azer naman ay nakatahimik lang at nakakuyom ang palad. Bakit Inay, alam nyo naman ang pagmamahal ko ky Marty ha, sabi nyo okey lang dahil di kami magpinsan. Marty ikaw, anung ibig sabihin ng paglalambing mo sakin. Humihikbing sabi ni Valeria. Napamaang si Marty, sa lahat naman sa inyo ay maayos ang pakitungo ko at wala akong natatandaang pinaasa kita o pinakitaan ng kahit anu mang malisya. Lahat kayo para ko ng mga kapatid. Malungkot na pahayag ni Marty. Tama na, tama na, tigilan mong kahibangan mo anak, sabi ni Tyo Azer. Ang Kuya Marty mo ay may asawa na. Hinde mo pedeng ipilit ang gusto mo. Tama na anak, halika na. Maawa ka sa sarili mo anak. Matagal ka na naming sinasabihan. Nagmamahalan sila. Pero mahal na mahal ko po siya, di ko po kayang mapunta siya sa iba. Humahagulgol si Valeria habang ngsasalita. Valeria, hinde tama na magkagusto ka sa Kuya Marty mo dahil magpinsan pa rin kayo sa mata ng tao. Matalim na salita ni Inay habang nakatitig kay Valeria. Hinde, hinde pwede, naghihisteryang sabi ni Valeria. Marty please, alam mo ang damdamin ko sayo, alam kong alam mo. Ako na lang please. Mas higit akong karapat dapat sayo Marty. I'm sorry pero walang tayo Valeria, di maaari ang gusto mo. Mahal ko ang asawa ko at siya ang pinangarap ko. Ang kasagutan sa hiling ko. Ang tindi ng kabog ng aking dibdib habang nakatitig ako kay Valeria at si Marty naman ay pinipilit ibaling ang tingin ko sa kanya. Hinahalikan ako sa noo at sinasabing, It's okey, it's okey... Tsk tsk nakakaawa ka. I pity you. Mas nakakababa ng pagkatao ang ginagawa mo, wag mo kong gawan ng kwento dahil ako alam kong malinis ako at ang kunsensya ko. Pati pagkatao ko. Si Marty naman ay niyayakap ako at pinapakalma but I do not have the strength to say some comments anymore dahil ayaw ko na ding pangunahan pa ang mga matatandang kaharap. Pasensya na kayo kay Valeria, lalo na sayo Ara, Marty, Kuya Narding at Ate Siony, sabi ni Tyo Azer bago tumalikod. Humahagulgol si Valeria habang pauwi ng bahay kasama ang mga magulang nya. Isa't isa ay napapailing lalo na ang mga kalalakihan. Baliw... Tanga... Istupida... Ilan lang yan sa mga komento ng mga kabataan sa paligid. Nang umalis sila Valeria ay humupa na ang tensyon. Lahat ay nawindang sa rebelasyon. Medyo humupa naman ang galit na nararamdaman ko. Kaya pala lagi nyang pinupuri si Kuya Marty at napapansin ko din laging masama ang tingin niya kay Ate Ara. Sabi ni Michael. Vina, ikaw ba ay alam mo ang kagagahan ng ate Valeria mo, sabad ni Missy. Tumango lng si Vina at di umiimik. Aba, sana'y nagsabi ka at ng di nagtuloy sa kahibangan yan, singit ni Kuya Victor. Alam naman po kasi nila Itay at Inay at lagi po syang pinagsasabihan. Sagot ni Vina. Bakit sakin di mo sinasabi ng maingudngod ko yang babaeng yan. Sabi ni Ashley. Di naman kasi natin sya mapipilit sa gusto natin dahil bata pa lang sya si Kuya Marty na ang laman ng puso nya. Sabi ni Nila sa asawa. Ah kung ganun, alam mo rin pla, dapat hinde nyo siya binibigyan ng pag-asa ng matauhan. Banat ni Ashley Hinde sa ganun mahal pero.... Hinde na natapos ang sasabihin ni Nila dahil biglang nagsalita si Marty. Tama na yan, walang may kasalanan sa nangyari. Baka nga ako pa ang may kasalanan kasi naging close ako sa knya, sa inyo. Di ko alam bakit kailangan nya yun lagyan ng malisya. Magpahinga na tayo. Inalalayan na akong tumayo ni Marty at inaaya sa bahay habang wala pa din akong kibo.. Ate Lena, sinigang na lamang po ang lutuin nyo sa hapunan. Tany ang budget sa ulam ay ibigay mo sa ate. Ngayon kasing tanghalian ay sa fish pond na magluluto. Oo kuya, saad ni Tany. Patalikod na kami ng biglang nagsalita si Inay. Halina muna kayong dalawa sa bahay at mag-usap tayo. Tumango lang si Marty habang hawak ang kamay ko at hinahatak papunta sa bahay.. Mga Brad, mauna muna kayo sa bahay at mamaya na natin ituloy ang plano ng bahay, pakiusap ni Marty Ah sasama na kami kay Tany sa fish pond at mag-uuwi si Boss Val ng isda pabalik ng Manila. Sabi ni Foreman Zaldy. Ah sige mainam pa nga para di kayo mainip, susunod na lang kami ng asawa ko pagkatapos dito. Sabi ni Marty.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD