Pagpasok sa bahay, Marty leads me to seat at the sofa, habang sumunod si Lando na my hawak ng baso ng tubig at iniabot sakin. Si Alyssa naman ay ngpatong ng tissue sa center table.
Sa nangyari, nalaman kong di naman pala majority ng tao dito ay ayaw sakin.
Ang lahat ay abala sa paglilinis at pagliligpit sa pinagkainan. Sina Tany at Sol ay natanaw ko ng paalis kasunod ang mga bisita.
Maya maya ay naupo na din sina Inay at Itay sa sala.
Iha, pauna ni Itay, pasensya na sa nangyari dahil di rin namin ito inaasahan. Alam naming hinde ka kumportable sa paninirahan mo rito pero nakita naman namin na pinagtyagaan mo. Alam ko rin naman na mabuti kang tao dahil ang mga apo namin ay natutulungan mo. Hinde mo din kami pinagdadamutan sa kinikita at pinapadala ni Marty dahil nakangiti mong ibinibigay ang para sa amin.
Sana lang ay matuto ka din o wag ka mahiya na lapitan kami at kilalanin, dahil matagal tayong magkakasama sa iisang solar. Sabi ni Inay. Alam naman ng mga magulang mo na boto kami sayo.
Anak sigurado na ba kayo sa desisyon nyo sa pagpapakasal? Bahagya itong napahintonsa pagsasalita.
Sabagay ay nasa edad na kayo at malaki na din ang naitulong mo lalo sa mga kapatid mo. Wala naman kaming tutol sa desisyun ninyo. Siguradong matutuwa sila balae pag nalaman.
Inay, tay, pasensiya na po kayo sa akin dahil kahit gusto ko po kayong kausapin ay nahihiya ako. Alam ko po na hinde nyo ako lubos na tanggap dahil ky Mina pero sisikapin ko pong baguhin.
Si Mina? Nagdilim ang matang sabad ni Itay. Paano namin gugustuhin yun eh iniwan si Marty at pinagpalit sa iba. Paano mo nasasabi yan bata ka?
Pero nadinig ko po si Inay at Ate Lena na naguusap at nanghihinayang sa pagkakahiwalay nila.
Napakunot ang noo ni Marty.
Napag-uusapan lang namin at dati kasi ay inakala namin na sila na ang magkakatuluyan, sabi ni Inay. Pero nakabuti na din ang nangyari kaysa nakasal pa sila. Malapit din kasi ang Ate Lena mo sa knya kaya di rin nya inakala na mangyayari ang mga bagay na ito.
Babe, oh nadinig mo, so kalimutan mo na yon ha.
Sorry po na nagkamali ako ng akala Inay. Nahihiya po kasi ako tanungin kayo.
Itay, Inay, sasamantalahin ko na din po ang pagkakataon na makapgpaalam na lalagay na ako sa tahimik. 3 taon na dn naman po kmi ni Ara at sapat napo ang panahong iyon pra masabi kong siya na talaga ang gusto kong makasama. Kahit noong nsa Dubai pa kami sya palagi ang taga salo ko sa bawat problema, napaka optimist nya at laging siya ang sumusuporta sa mga desisyon ko.
Ikaw naman anak ang magdedesisyon sa buhay mo, kami naman ng Inay mo ay nakasuporta lamang sa inyo. Ara, pakamahalin mo ang aming anak at naway magsama kayo ng panghabang buhay. Binibigay ko sa inyo ang aking basbas.
Salamat po Itay, pareho naming tugon ni Marty.
O siya, kung anuman ang problema ay magsabi kayo, wika ni Inay.
Eh Inay hihingin ko sana ang tulong ninyo ni Itay sa pamamanhikan kila Ara, pero wala pa pong date kasi pag-uusapan pa namin ang detalye sa mga susunod na araw. Gusto ko po sana na isabay ang kasal sa blessings ng bahay.
Sige anak, sabihan mo lng kami at ng maihanda ang mga dadalin sa kanila, kami na ni Ate Lena mo ang bahala sa mga pagkain.
Lubos na lumulundag ang puso ko sa nangyayari.
Babe, wag mo ng isipin si Valeria at sigurado kong di papayagan ng mga matatanda dito na makagawa siya ng anuman sa iyo o sa pagsira satin. Pumanatag kana. I love you babe.
Love you too, love you so much, tugon ko.
Sige Itay at pupunta pa po kami ni Ara sa fish fond. Inay mauna napo kami.
Tara na at sasabay na ako sa inyo, Siony pakihanda nga yung aking dadalin sa bukid.
Sa labas na lang po kami magiintay, Itay. At hinatak na ako ni Marty palabas ng nakangiti.
Inay sumunod na din po kayo ha.
Lando halika na sumama ka na din. Alyssa ang mama mo sabihan mo na din na sumunod, ang Inay ha alalayan ninyo.
Opo tito.
########
Comment naman po kayo baka naiinip na po kayo sa story.
########