EVELYN Sa lahat ng special occasions ay present palagi ang asawa ko kahit pa sobrang busy niya. Bumalik na rin siya sa pagtuturo at pumapasok rin siya sa office after ng class niya sa University. Ngayon ay isang taon na ang kambal at masasabi ko na ang laki ng nagbago sa buhay namin ng asawa ko simula ng dumating sa amin ang mga anak namin. Mas nagkaroon kami ng dahilan ni William na alagaan at mahalin pa ang relasyon na mayroon kami. Sa araw na dumadaan ay masaya ako, masaya kami. Hindi na nga kami nag-away na dalawa eh. Masaya ako na malusog sila, masaya ako na masaya ang pamilya namin. Full time mom ako sa mga anak ko. Kahit naman noon ay ito ang gusto, mas higit na gusto ito ni William. Hindi naman niya ako pinipigilan sa mga nais kong gawin sa buhay ko. Pero mas gusto rin niya na a

