WILLIAM Limang taon na kaming kasal ng asawa ko at makulit na rin ang mga anak ko. May tatlong taong gulang kaming anak na si Avianna. Buntis na rin ulit ang asawa ko. Napag-usapan namin na apat lang ang magiging anak namin. Gustuhin ko man na mas damihan pa ay alam ko na ang asawa ko naman ang mahihirapan. Saka nagkaka-edad na ako. Gusto ko pang makita na lumaki ang lahat ng anak ko. Binabawi ko na ang sinabi ko na mas dadamihan ko ang anak ko kaysa kay kuya Adam. “Daddy!” umiiyak na sambit ng anak kong si Stephanie. “What’s wrong, baby?” malambing na tanong ko sa kanya. “Inaway po ako ni Quinn.” sumbong niya sa akin. “Quinn!” tawag ko sa anak kong lalaki. “Yes po, daddy?” tanong niya sa akin. “Anong ginawa mo sa kapatid mo?” tanong ko sa kanya pero sa malumanay pa rin na boses.

