EVELYN “Wala po, papa. Nagkukwentuhan lang kami ni uncle.” nakangiti na sagot ko sa kanya para itago ang kaba ko. “Okay, nasaan ang mama mo?” tanong niya sa akin. “Nasa room niyo po.” “Sige akyat na muna ako, sweetie.” paalam niya sa akin. “Papa, puwede ba tayong mag-usap muna?” tanong ko sa kanya. “Importante ba, sweetie?” tanong niya sa akin. “Sobra po,” sagot ko sa kanya. “Sa room mo na lang tayo mag-usap,” nakangiti na sabi niya sa akin at nauna na siyang umakyat. Nagpaalam naman ako kay lolo at William. Pagpasok ko sa room ko ay nakaupo na ang papa ko. “Anong pag-uusapan natin, sweetie?” tanong niya sa akin. “Papa, siguro mas mabuti na lumipat kayo ng bahay ni mama.” sabi ko sa kanya. “Bakit? May problema ba?” tanong niya sa akin. “Mayroon po at ayaw ko na pagsisisihan mo

