EVELYN “Dahil kapag hindi ako naging vocal sa ‘yo ay baka iwan mo na lang ako bigla. Hindi ko na kasi kaya na wala ka sa tabi ko, na wala ka sa buhay ko. Ikaw na ang dahilan ko kaya gusto kong maging best version ng sarili ko. Ang pagmamahal ko sa ‘yo ay hindi kayang sukatin sa kahit na ilang porsyento dahil umaapaw ang pagmamahal ko sa ‘yo, Eve.” Sabi niya sa akin na lalong nagpaiyak sa akin. “Shhh, don’t cry.” “Ikaw kasi pinapaiyak mo ako.” sabi ko sa kanya. “Mahal na mahal kita, Eve. Alam ko na mahirap paniwalaan lalo na babaero ako pero gusto ko lang rin sabihin sa ‘yo ang tunay kong nararamdaman.” sabi pa niya sa akin. “Alam ko naman ‘yon at mahal rin kita. Sana kahit pa may dumating na pagsubok sa ating dalawa ay mahal mo pa rin ako.” sabi ko sa kanya. “Hindi magbabago ang pag

