Nakahiga ako sa kama at abala sa pagrereview ng bulabugin ako ni River
"Nakita mo na ba ang latest trend?"tanong nito..habang nakatingin sa hawak na cellphone...
hindi ko ito tiningnan..Malapit na ang exam..Ayoko muna magpaistorbo bukod sa hindi ako interesado...
Iniumang nito ang cellphone..kaya napilitan akong abutin yun..Ito na ang ngplay sa videong pinanunuod nito kanina..Kuha iyon sa isang kainan..Medyo malabo ang video pero pamilyar ang eksena..Napabangon ako sa higaan..nauntog pa nga ko sa biglang pagtayo..Isinara ko ang binabasang libro....at tiningnan si River na nakataas ang kilay..Tila inaantay nito ang paliwanag ko...
"Alam na ni Nanay?"ng-aalala kong tanong...Umiiling ito..
"Tingin mo dapat malaman ni Nanay?"sunod sunod ang naging pag-iling ko...
"Bakit naman?Astig mo nga dito eh"pinanuod nito ulit ang video..
"Astig ka diyan..Tumulong lang ako..hindi ko naman alam na may kumukuha pala ng video eh...
"Anu naman kung may kumukuha ng video..atleast sikat ka na.."sabi naman nito..na mukhang tuwang tuwa pa..
"anong sikat sinasabi mo..pagpipiyestahan nanaman ako ng mga kaklase ko oras na malaman nila ang tungkol diyan..
"Bakit?openbook naman na witch ka noh..Hindi na sila magtataka diyan.."sagot naman nito
"Pero ito yung unang beses na literal na makikita nilang ginagamit ko ang kapangyarihang merun tayo.."kumunot ang noo nito sa sinabi ko..Natutop ko naman agad ang bibig ko..Hindi nga pala alam ng kapatid ko na hindi ko ginagamit ang mga spells sa school..
"1st time?Tama ba dinig ko..unang beses nilang makikita ang paggamit mo ng mahika?"
Hays...no choice na ko kundi tumango...
Pinagkibit balikat nito ang pagtango ko..
"Mukhang mababait ang mga tao sa Galakdanggan ha..No one pissed you off..Kaya hindi mo nagagamit ang kapangyarihan mo.."bumuntong hininga ito.."Nakakainggit"sabi pa nito bago umakyat sa taas na parte ng double deck...para ata matulog na...
Kung alam mo lang River Dolly!Walang nakakainggit sa sitwasyon ko sa G.U...sabi ng isip ko...Napagpasyahan ko ng matulog na din..pinatay ko na ang ilaw ng silid namen matapos ayusin ang mga libro ko...
Monday:First day of Examination Week
Maaga akong pumasok ngayon kahit alas diyes pa ang unang subject ko...Kinakailangan ko pang magreview..kaya sa Library muna ako tatambay..
Marami ng tao sa campus ng dumating ako..Kanya kanyang umpukan ang mga ito..pero kataka taka na sa lahat ng dinadaanan ko..sinusundan nila ko ng tingin..
"Talaga?Siya yan?"
"Oo nga..tingnan mo mabuti!"
Narinig ko pang bulungan nila habang palampas ako..Sanay naman na ako dun kaya pinagwalang bahala ko na lang..Malapit na ko sa Library ng may mga grupo ng kababaihan na humarang sa akin...Hindi na bago ang eksenang iyon..kaya inihanda ko na ang sarili ko..Tumingin ako sa paligid...wala akong makitang pwedeng gawing pananggalang sa anumang binabalak ng mga ito na masama..Kaya "invisibility" ang gagamitin ko..Ready na ang utak ko para sa spell na bibigkasin ko ng magsalita ang babae sa gitna..marahil ito ang leader ng grupo..
Pinakita nito sa akin ang cellphone sabay tanong ng :"Is this ikaw?"may pagkamaarte nitong sabi..
Tiningnan ko ang pinapakita nito..Ito din ang video na pinakita sa akin ng kakambal ko kagabi...
Tumango ako..alerto pa din sa posibleng mangyari...
"So its her nga.."nagsalita ulit ito..at tila iniinform ang mga kagrupo kahit nakita naman ng mga ito ang pagtango ko..
"Can we make papicture with you?"nabigla ako sa sinabi ng mga ito..At bagamat nabigla ako eh tumango na ko para matapos na..at kailangan ko pang magreview..
Matapos ang group picture eh nagsialisan na ito..Katakang takang mga nakangiti ang mga ito at nagpasalamat pa..
Napailing na lang ako sa ginawi ng mga ito..Pinagpatuloy ko na ang pagpunta sa Library matapos sulyapan ng saglit ang papaalis ng grupo..
"Please pass your paper..Time's up!"
Tumayo ako at ipinasa na ang questionaire at answer sheets ko..Tapos na ang lahat ng exams ko sa araw na iyon..Buti na lang..halos lahat ng mga tanong sa pagsusulit ngayong araw ay nareview ko kaya confident ako sa mga sagot ko..Inimis ko ang mga gamit ko at akmang lalabas na ng silid ng may kumuha ng mga libro sa kamay ko..
"Ako na magbibitbit nito Andrea"napatingin ako sa ngsalita..si Dennis yun..Isa sa mga school varsity na block classmate ko...
"Ako na..kaya ko naman!"sabi ko akmang kukunin ko ang mga libro ko na kasalukuyang hawak na nito..
Iniiwas nito ang kamay..."Ako na..Pauwi ka na din ba?Hahatid na din kita!"Sabi nito at ngsimula ng maglakad palabas ng silid..Sinundan ko ito...
Something feels weird..simula pa kaninang umaga..Parang nagbago ang pakikitungo ng mga ito sa akin...Literal na nagbago ang kinikilos mg buong campus sa akin..They are all so nice na parang may mga sapi ito..
"Gusto mo ba munang kumaen bago umuwi?!"tanong nito sa akin..Sinabayan na ko nito sa paglalakad..Sasagot na sana ako para tumanggi ng may magsalita sa likuran namen..
"Ako na maghahatid sa kanya Pre!"sabay kaming napalingon sa nagsalita..si Kevin!Madilim ang mukha nito..Hindi ko ito nakita kaninang dumaan kami..Akmang kukunin nito ang librong hawak ni Dennis pero iniiwas ng huli..Lalong nagdilim ang mukha nito dahil sa inakto ni Dennis...
"Its okay Ferrigo...I can manage"sabi pa nito Dennis..Nagsukatan ng tingin ang dalawa..Nagkaroon ng tensyon..Umugong ang bulungan sa paligid..Bago pa magkaroon ng eksena ay inawat ko na ang mga ito..
"Kaya ko umuwi mag-isa!" sabi ko bago inagaw ang libro na hawak ni Dennis at nilagpasan ang dalawa na nabigla sa sinabi ko..
"Ganda ni ate Girl..pinagaagawan ng dalawang Papa"
"Tabi sis...natatapakan mo na mahabang buhok niya!
Dinedma ko ang narinig na bulungan sa paligid..Nawala ako sa mood...Badtrip yung dalawang iyon..Okay na sana araw ko..gumawa pa ng eksena...Pauwi na ko oh....konti na lang!Talagang hindi matatapos ang araw ko ng aalang aberya..Tsk..tsk...Binilisan ko pa lalo ang paglalakad..Medyo malayo na din ako sa campus ng makarinig ako ng busina at ang pagtawag ni Kevin..Nakasakay ito sa sasakyan nito
"Drea..Drea..wait.."hindi ko ito pinansin at diretso lang sa paglalakad..
Sinusundan pa din ako nito..Pinagtitinginan na kami ng tao sa daan...Para kaming magjowa na may Lover's Quarrel..
"Ano ba..wag ka ng sumunod kaya kong umuwi mag-isa..!"pahiyaw kong sabi dito...
Mas binilisan ko pa ang paglalakad..Pinagpasalamat ko na wala ng kotseng nakasunod sa akin kaya naman ibinalik ko sa normal ang paglalakad..Hinahapo na din ako dahil sa pinaghalong inis at lakad takbo..Nagulat ako ng biglang may humaklit ng braso ko..dahilan para matigil ako sa paglalakad....
"Lets talk please Drea.."nakita ko ang nagsusumamong mata ni Kevin..Buong akala ko ay tinigilan na ko sundan nito..yun pala ay itinabi lang nito ang kotse sa gilid ng daan..
Naiinis pa din ako dahil sa ganap sa campus kanina..kaya piniksi ko ang brasong hawak nito..
"Umuwi ka na..wala tayong pag-uusapan"tumalikod ako dito at nagsimula na kong humakbang..ramdam ko ang pagsunod nito..
"Im sorry Drea..wag ka naman magalit sa akin!"hindi ko ito pinansin..Kung gusto nitong maglakad..bahala ito!Hindi naman ako anv mapapagod!Kaso naisip ko medyo malayo layo ang lalakarin nito pabalik kung hanggang sa amin ako nito susundan...hinarap ko ito..napatigil din ito sa paglalakad...
"Umuwi ka na Kevin..Huwag mong pagurin sarili mo..Kaya ko umuwi mag-isa!"
"Kaya mo pala bakit pumayag kang magpahatid dun sa player kanina?"napataas ang kilay ko sa tanong nito..
"Excuse me..hindi ako pumayag..dahil hindi naman yun nagpaalam..basta na lang yun nagdecide..And its Dennis!Dennis pangalan niya not player!"
"Whatever his name is..hindi ako interesado..Basta huwag ka niyang ihatid"nadagdagan lalo ang inis ko sa sinabi nito..
"Wala naman nagbabawal kay Dennis o sa kung sinuman na ihatid ako..kaya pwede ba.."naputol ang susunod kong sasabihin ng magsalita ito
"Me!Pinagbabawalan ko ang kahit sinumang Poncio Pilato na iyan na ihatid ka!
Nagpanting ang tainga ko sa narinig..sumosobra na ito ha..Hindi porke't kasama ko itong magensayo at ilang ulit na akong tinulungan nito ay may karapatan na ito na sabihin iyon..Nakahanda na sana ang litanya ko ng magsalita ulit ito..
"Dahil ayoko ko...Dahil nagseselos ako"