Practice saves the Day!

1176 Words
Isang palakpak ang narinig ko..Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Kevin na tuwang yuwang pumapalakpak..Yung ilang araw na kami nageensayo para makontrol ko ang mahikang alam ko..pero parang laging 1st time nito.. Nandun pa din kami sa aming "tagpuan"..Last day na ng week long celebration ng Foundation Day..Kaya sinasamantala na namen ang mga oras na ito dahil tiyak na next week eh magiging hectic na ang mga schedule namen since examination week na... "You are doing better...Drea"saad nito.. Napatingin ako dito..Hindi ko inaasahan na mapapayag ako nito sa ensayong sinuggest nito..He is not bad himself..Hindi ito tulad ng mga naririnig niya sa ilan na self centered ito porket anak ng school director..sadya lang itong walang barkada..Na papalit palit ito ng babae dahil bukod sa angkin nitong kagwapuhan eh Ferrigo ito...In fact..sa halos isang linggo namen magkasama..wala akong nakitang babaeng kadikit nito.. Nakatulong din ito sa akin... kasi..nung unang araw namen..yung batong sinusubukan kong pagalawin eh kung saan saang direksyon napupunta..ngayon ay kung saan ko yun naisin..dun na ito eksaktong bumabagsak.. Isa rin sa pinaigting ko ang mahika ng pagpapawala..Invisible...Tinanung ko kay River ang enkantasyon para sa mahikang iyon at ibinigay naman nito ng walang pag aalinlangan..Sabi kasi ni Kevin kung hindi ko daw nais ipakita na kaya kong pagalawin ang mga bagay bagay sa palihid eh might as well daw.. na tumakbo na lang daw ako..kesa daw antayin ko pa na masaktan ako..Hindi ako ganun kabilis tumakbo..mapapagod pa ko ng sobra..kaya yung Invisibility spell na lang ang pinag-aralan ko.. In fairness..nagimproved na din ako sa bagay na yun..Nung una ko yun sinubukan..almost half day bago ako lumitaw ulit...Merun din na half body lang nawala sa akin..Atleast ngayon..okay na..Kaya ng maglaho at bumalik anytime ko gustuhin.. Sa totoo lang i feel good myself..masarap din palang gamitin ang mahikang merun kami... "Lets take a break..."sabi nito.Binuksan muna nito ang  bote ng Mineral water...bago inaabot sa akin kasabay ng isang sandwich.. "Salamat"sabi ko matapos kuhanin ang iniabot nito.. Lagi itong ganun..lagi itong may baon pang dalawang tao..Nung unang araw namen para sa pag eensayo..tinanggihan ko ang dalang pagkaen nito...ngtampo ito..Hindi din ito kumaen..Nakonsensiya naman ako na magugutom pa ito dahil sa akin..kaya ayun..tinanggap ko na din hanggang sa makasanayan na nito na laging may dala... "Last day of practice na pala natin ngayon"sabi nito habang nanguya ng sandwich... Tumango ako.."Salamat huh.." "Another thank you?For what?"tanong nito.. "Sa pagtulong sa akin..."maiksi kong sabi "I did not help you out..you helped yourself Drea...kasi kahit pilitin kita..kung ayaw mo naman..wala din naman akong magagawa..And I thank you for that" Napakunot noo ako sa out of the blue na pasasalamat nito.. "Para saan naman ang thank you?"tanong ko dito.Sinimulan ko na ding kumagat sa sandwich na binigay nito.. "Thank you kasi binigyan mo ko ng pagkakataong samahan ka sa pag eensayo mo na pwedeng pwede mo naman gawin kahit mag-isa..And for giving yourself a chance to protect yourself na hindi ka magaalala na may masasaktan ka..Siguro naman ngayon..hindi ka na lang basta tatayo na lang...Kayang kaya mo ng maglaho na lang...Sana sa kanila mo lang gawin.."saad nito "Sa kanila ko lang gawin ang?"tanong ko dito habang nanguya Inabot nito ang mukha ko..Nabigla ako sa ginawa niya..Pinahid ng daliri nito ang lumagpas na sandwich spread sa gilid ng labi ko..Hindi ako nakagalaw..napamaang lang ako dito..Lalo na ng sabihin nito sagot sa itinanong ko.. "Ang maglaho..dont do that to me Drea"Tinitigan ako nito...Hindi ko alam kung paano magrereact o ano ang sasabihin sa naging tugon nito..Ayokong bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi nito... Hindi ko na matagalan ang tinging ibinibigay ni Kevin kaya tumikhim ako..pasimpleng binawi ang tingin at tumayo na ko.. "Malapit na din na pala magsimula ang next class ko...Mauna na muna ko Kevin"Dinampot ko ang bag..Paalis na sana ako ng hawakan nito ang kamay ko at pigilan..Nakatayo na din pala ito..Hindi ko na siya tiningnan..natatakot ako na baka makita nito ang reaksyon ko..Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.. "Labas tayo mamaya..after ng class mo"sabi nito.. Tumango ako at binawi na ang kamay ko..Kung pwede lang ako tumakbo..ginawa ko na..kaso magmumukha naman akong engot kapag ginawa ko yun..ramdam ko kasi ang paghabol ng tingin nito sa akin. Tapos na ang last subject...Palabas na ko sa gate ng school ng may humawak sa  braso ko... Napatingin ako sa pangahas na may-ari ng kamay na pumigil sa akin sa paglabas ng gate..si Kevin! "Where do you think you are going Drea?"tanong nito sa akin.. Naku naman...akala ko hindi ito seryoso sa sinabi nito kanina..Kahuli hulihan na nga akong lumabas ng room sa pagaakalang nakauwi na ito.. "Uuwi na..Bakit?"sabi ko naman na tiningnan ang kamay nito na nakahawak pa din sa braso ko..Dahan dahan nitong binitawan ang braso ko bago nagsalita.. "Uuwi ka na?Hindi ba lalabas pa tayo?"sabi naman nito... "Ay naku...nakalimutan ko..."pagsisinungaling ko..Hindi ko naman talaga nakalimutan yun..yun lang ang dinahilan ko..At halata siguro sa mukha ko yun dahil... "You are not good liar Drea..."sabi nito..At nagpatiuna ng naglakad papuntang school parking "Sorry..hindi ko kasi alam kung bakit need pa natin lumabas eh"sabi ko habang sinusundan siya.. Huminto ito sa paglalakad..at tumingin sa akin.. "To celebrate what you achieved"nakita kong lumungkot ang mukha nito bago nagpatuloy magsalita "Hindi na tayo lagi magkakasama dahil next week parehas na tayo magiging busy." "Okay..sige pero saglit lang tayo huh at malapit na gumabi..baka mapagalitan ako ni Nanay kapag late ako nakauwi.."nakita kong lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ko..Nagmadali ito sa paglalakad..Nauna ito sa kotse nito..Pinagbuksan ako nito ng pintuan ng kotse nito.. Huminto ang kotse nito sa bagong bukas na tapsihan sa bayan..Nag alangan akong bumaba ng kotse dahil madaming tao ng mga oras na iyon...Hindi naman sa natatakot ako na may makakita sa amin..Hindi lang talaga ako sanay na maraming tao.Nahalata ata ni Kevin ang pagaalumpihit ko.. "Gusto mo bang lumipat ng ibang lugar?"tanong nito sa akin... Nag isip ako..Bago umiling..Pagabi na!Kung maghahanap pa kami ng ibang makakainan..Baka abutin na talaga kami ng gabi.. "Dito na lang tayo..may puwesto pa naman ata eh.."Bumaba na ko ng kotse..Nakita ko ang pagmamadali din nito sa pagbaba..hindi nga lang nito ako napagbuksan ng pinto dahil nakaimbis na ko sa sakyan..Kaya yung pintuan na lang ng tapsihan ang binuksan nito para sa akin... Umupo kami sa nag-iisang bakanteng puwesto doon..Saktong pang dalawang tao iyon..Iniwan ako ni Kevin saglit sa mesa para umorder ng kakainin namen..Hinayaan ko na itong umorder para sa akin..Kasi kahit ano naman kinakaen ko..Bumalik ito bitbit ang tray may laman ng dalawang pinggan na may tapsilog..at 2 baso ng orange juice.. Patapos na kami kumaen ng makaamoy kami ng parang may nasusunog..Nagkagulo sa tapsihan.Kanya kanyang takbuhan palabas ang mga tao doon..May mga naghihiyawan din..Nakita namen nanggagaling ang usok sa kusina ng tapsihan..Nakita kong nagmadaling tumayo si Kevin..naghahanap ng may maipapatay sa apoy..Inilibot ko naman ang paningin ko...Nakakita ako ng hose na nakakabit sa gripo...Pero nasa loob ito ng kusina..na halos puro usok na..Kung kaya't walang tao na makapasok dito..Hindi na ko nagdalawang isip.Binuksan ko ang gripo..at pinagalaw ang hose sa mismong nasusunog na kawali sa kalan...siyempre gamit ang mahikang naperfect ko na...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD