Chapter 4:The start of the Beginning

1113 Words
"I need somebody who can love at my worst know im not perfect but i hope you see my worth napalingon ako ng biglang my nagtanggal ng headphone ko.. "dont...dont you worry..I'll be there whenever you need me" hindi na bago yung laging pagkakatanggal ng headphone ko..Ang bago ay iyong natanggal ng hindi ako nasasaktan at may pagkanta pang nalalaman...Mas lalong bago na sobrang lapit pa ng mukha niya habang nakanta..1st time..no one dares to come close..maaring nabubully ako sa school..pinagtritripan ng lahat pero walang sinuman ang nangahas na  lumapit ng sobra at baka nga naman maging palaka pa..Khit hindi pa nila ko nakikitang gumamit ng magic..Open book naman na Witch kami... Paano kaya niya nalaman na yun ang kantang pinakikinggan ko?Knina pa kaya siya sa likod ko at narinig niya na humihimig ako? Hindi ko na namalayan ng dumating siya.Siguro kasi para madistract ako sa kabang nararamdaman ko..pinili kong magpakalunod sa musika..When Im hearing  song..nawawala lahat ng nangyayari sa paligid..Gumagaan ang mabigat kong pakiramdam.Music is my comfort zone..Pero lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko  dahil sa pagkakalapit namen.. Kanina pa tong puso ko..simula ng puntahan niya ko sa department namen..hindi na tumibok ng normal ang puso ko..hindi ko na nga naintindhan ang itinuro sa klase kanina..nablack out ako..bumalik lang ang wisyo ko ng tumunog ulit ang bell..hudyat na tapos na ang klase ko sa araw na yun.. Wala naman talaga akong balak pumunta dito sa may damuhan.Naisip ko na lang na magpapalit na lang ng id..Kaso nung malapit na ko sa dean's office..nakita ko ang haba ng pila..bukod pa ang bulungan ng dumaan ako kaya para maiwasan na ang komosyon dumiretso na lang ako dito..Ang tagal ko ngang nagantay..palubog na ata ang araw ng sumulpot tong damuho na toh at nakuha pang kumanta...Buti na lang top notcher ako sa buong campus sa may pinakamahabang pasensiya..sa inaraw araw ba naman na pambubully sa akin baka nga papasok na ko sa guiness book of records. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para hingin na ang id ko..Malapit ng dumilim kaya kailangan ko ng magmadali..Tiyak na sermon nanaman aabutin ko kay Nanay kapag ginabi ako ng uwi.Kapalit kasi ng pagpayag ni Nanay na dito ako mag aral eh alam niya lahat ng class schedule ko..Kaya tiyak na kagagalitan ako dahil kanina pa dapat ako nakauwi Nagulat ako ng imbes na iabot sa akin ang Id ko ay kinuha niya ang kamay ko at iginiya ako patayo... "Teka teka Ferrigo saan tayo pupunta?! "I prefer to call Kevin o kung trip mo Mikael pwede din.Wag lang Ferrigo at feeling ko buong angkan ko tinatawag mo"sinagot niya ako ng hindi nililingon.Diretso lang sa paglalakad habang hawak ang kamay ko..Wala naman ako magawa kundi sumunod..Gustuhin ko man agawin ang kamay ko na tangan niya ay hindi ko magawa..bukod sa mahigpit niyang hawak eh ayaw ko din ata?Ewan ko ba..ngayong araw na ito ibang klaseng nga emosyon ang binibigay ng lalaking ito... Pero kaaway siya..I mean yung pamilya niya..kaya anumang banyagang pakiramdam ay hindi maaari..Huminto siya sa paglalakad at binitiwan ang kamay ko..Sayang!Bulong ng puso ko..hindi ba pwedeng pahawak pa kahit ilang minuto pa?Huh!!!!Erase erase!!!Sabi naman ng utak ko..Wala ka sa posisyon kumire ngayon at tiyak na kurot na sa singkit ang aabutin mo!Dahil sa nakikinita ko na reaksyon ng nanay... "Yung id ko..." "It will be ours" sabay kaming nagsalita at dahil dun hindi namen naintindhan sinabi ng isat isa..Kaya naman sabay din kami nagtanong ng... "anong sabi mo" "what did you say?" "Haha..Mauna ka na nga..."Natatawang sabi ng loko..Bakit ang cute niya tumawa?Kung ako siguro yun "Hihi" tunog ng tawa ko..Mangkukulam nga di ba?Minus the broomstick..Naiwan ko sa bahay eh...Seryoso!May walis tingting talaga kami..At seryoso din..sinasakyan talaga namen yun..Hindi pa nga lang ako ganun kabihasa sa paggamit kung kayat lagi akong nasabit sa sanga! "Yung id ko kako.. "Ah your id.."tumatango niyang sabi sabay kuha sa bag niya.. "Andito lang pala all along..hindi ko lang nakita kanina" "Salamat.Mauna na ko.. Hindi ko na tinanung kung anong dahilan niya at hindi niya naibigay agad yung id ko kanina kung nasa bag lang pala niya.Mas lamang na nag aalala ako sa mahabang kuko ng nanay..Masakit pa naman mangurot yun..Wala pa pati tiyak si River sa bahay..wala akong kakampi.. Dali dali na kong tumalikod... Hindi naman niya ko pinigilan..Nagaantay ba kong pigilan?Hindi noh!Bakit naman ako mag aantay na pigilan! Pero narinig ko pa siyang nagsalita ng "I will share this with you..Kapag nabully ka or feeling down pwede ka tumambay dito..Walang gagambala sayo.. So narinig nga niya lahat ng mga sinabi ko kanina..Tagong bahagi na yun kasi lalagpasan pa ang mas matataas pang d**o baka marating ang lugar na yun..Kaya  siguro hindi ko napansin na may tao dito kanina Nilingon ko ang tinutukoy niyang "this" Hindi ko napansin kanina ang duyan na nakakabit sa dalawang matitikas na puno.Maganda din ang pagkakatrim ng mga d**o sa parteng ito.Halatang alaga sa trim kasi nagmukhang bermuda grass na..Pero kahit pa gaano kaganda o katahimik ang lugar na yun..hindi naman na ako para bumalik dun..Walang rason lalo pa nga at teritoryo pala yun ng isang Ferrigo.Kayat ipinagkibit balikat ko na lang ang sinabi niya at lumakad na palayo..Need ko na magmadali at tiyak kong gagabihin na ko sa daan..Dahil bukod sa mahirap  na sumakay ngayong oras na toh o wala din naman magpapasakay sa akin..Kaya no choice ako kundi maglakad..Haist wala  pa naman ang tingting ko..Khit magkasabit sabit ako sa sanga..tiyak ko naman na makakauwi ako on time.. Halos takbo na ang ginawa ko para mabilis na makauwi..Hindi naman ako makakalipad.Witch kami pero hindi manananggal..Hingal na hingal na ko at sandaling tumigil para sumagap ng hangin ng isang pulang sasakyan ang tumigil sa harap ko..Teka hindi naman ako humiling o umusal ng orasyo  para magkaroon ng sports car sa harap ko..Saan lupalop nagmula toh. "Hop in"Ihahatid na kita"nakita ko ang ngsalita ng ibaba niya ang bintana ng sasakyan Ang bagal ko ba tumakbo o mabilis lang talaga ang ganong klase ng sasakyan?!Paano niya ko naabutan.Imposible naman na dito ang daan niya pauwi kasi magkaibang way ang papunta sa Mansion nila "Tara na..Malayo pa ang inyo kung lalakarin mo lang" Tatanggi sana ako kaso naisip ko malayo layong lakarin nga iyon.Kaya ko naman at sanay na ko kasi halos araw araw ko naman ng ginagawa kaso not this time.Super late na ko sa itinakdang oras ng Nanay Kaya binuksan ko na ang likurang pintuan subalit ayaw bumukas "you're not thinking me as your driver right?" ah..okay..oo nga naman.nagmagandang loob na ngang ihatid ako..dun pa ko sa likuran uupo.Kaya ang siste sa passenger seat sa unahan ako umupo.. Makakarating nga ako ng mejo maaga sa bahay..mukha naman hindi na aabot ang puso ko...Ang lintik...nagwawala nanaman!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD