#

1088 Words
Kinakabahan ako sa sakay ko..knina pa nakahawak sa dibdib at parang aatakihin pa ata.. Maya't maya din ang kagat sa labi na parang may iniinda "Okay ka lang ba?"paninigurado ko..Tumingin siya saglit sa direksiyon ko at tumango at pumaling ulit sa labas ng bintana ang tingin..Simula ng sumakay ito sa tabi ko..Sa labas na ng bintana ito nakatingin.. Nagtagumpay ako na paupuin siya sa tabi ko dahil sinadya kong hindi buksan ang pintuan ng likurang upuan.Pero hindi naman niya ko kinakausap habang biyahe.Sadyang mailap ang babae..Knina ng puntahan ko toh sa department nila hindi din halos nagsalita.Kilala naman ang babae sa Masscom Department kaso walang sinuman ang gustong lumapit dito..Kung hindi nga lang pinakiusapan ni Aleli ang isa sa kaklase nito.Malabong makausap ko toh.Kaya naman kahit dala ko talaga ang id nito sa bag..nagdahilan na lang ako na naiwan ko sa locker.. Ewan ko ba..ang balak ko lang naman eh makita ng personal ang babae.Gusto kong malaman kung anong itsura nito sa personal para tratuhin ng ganun ng mga tao sa school.. She's not bad herself..Mahaba ang unat at sing itim na uwak na buhok nito na nakatabing sa kalahati  ng mukha nito.Expressive nga ang mga mata nito kahit kalahati din lang ang nkikita niya..Mapula din ang mga labi nito.mapusyaw ang balat nito given na sa dulong parte ng Sta. Clarita ito nakatira..Hindi ito katangkaran siguro in between 5" o 5'2.May something sa babaeng ito bukod sa pagiging Salvacion.At yun ang gusto niyang malaman..Anong hiwaga meron sa mga babae ng Salvacion.Anong klaseng Lahi sila..Siguro panahon na din para tuklasin kung anong naganap 20 taon na ang nakakaraan para magkaroon ng malaking hidwaan ang pamilyang dati ay parang magkapatid kung magturingan..Kaya naman ng sabihan nito na ibigay na lang kay Aleli ang id nito ay ngprotesta ang puso ko.At nakaisip agad ng dahilan ang utak ko... "Ako na mgaabot ng Id mo Drea..para naman makapag Thank you ka na din sa kin..Same place...sa my damuhan...Kita tayo later.... Napatigil sglit ito sa tangkang pag-alis na ng marinig ang sinabi ko.Hindi ako sigurado kung pupunta siya dahil sa totoo lang id is not a big deal..Hihingi ka lang ng form.magpapasa ka lng ng hinihinging requirements and voila may id ka na ulit..Hindi din naman eto ngkomento pa at itinuloy lang ang pagpunta sa classroom.. Pasimple akong nagtanong kay Aleli kung anong oras ang huling subject nila Drea..Thats odd...Biglang lumabas sa bibig ko ang name na yun.Ang sarap pakinggan.Yung nakakasigurado ako na ako lang ang tatawag sa kanya ng ganun.As usual wala naman naging reaksyon ang babae kanina..Pero nakita kong nagiba ang tingin ng mata niya parang umilap o kinilig?!Ewan..hindi ako sigurado and thats add more mysterious effect. Mas maaga ako ng 30minutes dumating sa kanya..Nahiga muna ako sa may duyan habang tinitingnan ang id niya..Mas maganda siya sa picture pero mas may dating sa personal..Nakita ko siyang dumating.Hindi agad ako lumapit at baka isipin niya excited akong makita siya..Kaya tiningnan ko muna siya mula sa puwesto ko..Nung una nakatayo lang siya habang palingon lingon..Yung parang tinatansya niya pa kung uuwi na lang ba o magaantay..Siguro nanaig ang "magaantay" team kaya naman nakaindian seat na itong umupo sa damuhan..Nainip na siguro kaya naman nagsuot na ng headphone at nagsimulang kumanta "I need somebody who can love at my worst know im not perfect but i hope you see my worth Napatigil ako sa paglapit sana ng marinig ko ang kinakanta niya..Magandang boses para sa isang magandang kanta..Kaya naman hindi ko naiwasan na sumabay sa kanta "dont...dont you worry..I'll be there whenever you need me Hindi ko lang alam kung anong sumapi sakin at tinanggal ko ang headphone niya..Pero naging tama naman ang naging desisiyon ko mg matitigan siya ng malapitan..Hindi ko alam kung pareho kami ng naramdaman pero ako kasi parang bumagal ang oras.Kaya nga ng inilahad niya ang kamay niya ay kinuha ko yun. Wala sa hinagap ko nadadalhin ko siya dun.I mean..Akin un eh.Ako ang nagkabit ng duyan na yun..ako din ang ngtrim ng mga d**o dun.This is my place..Pero wala eh..hindi nagfufunction yung utak ko..Nung matitigan ko siya kanina..Ang tanging gusto ko ay pagaanin ang loob niya..Yung sa sobrang lapit namen nakita ko yung kinikimkim niyang sakit ng loob.. Kaso mukhang mas interesado siya sa id niya kesa sa inooffer ko sa kanya!Kasi pagkakuha ng id niya mabilis na din naman siyang umalis..Hindi ko alam kung naoffend ko siya sa paraan ng pagkakasabi ko na share kami sa place na yun o ano..Basta umalis na lng siya matapos magpasalamat.. Kaya naman dali dali ko siyang sinundan kaso hindi ko na siya naabutan sa gate ng school..Bakit kasi naiwan ko pa sa locker ko yung susi ng oto ko..Yan tuloy natagalan pa ko bago makasunod..Hays..Tinitingnan ko ang bawat daanan ko sa pag asang bka makita ko pa siya..Pero wala eh.Runner ata ang babaeng yun at ang bilis mawala..oh bka naman sumakay na sa mahiwagang broomstick.Oo nga naman anong laban ng sports car kong red sa magic broomstick.. Nasa daan na ko pauwi samin ng magbago ang isip ko na imbes na dumiretso eh lumiko ako sa kaliwa..umaasang bka andun siya..Delikado ang daan lalo nat pagabi na..Maaring kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.Pero mabuti na din ang sigurado..Ako ang dahilan kung bakit ginabi siya.Kargo de konsiyensya ko siya.. Mejo malayo layo na din ang nararating ko ng mahagip ng tingin ang babaeng nakasandal sa puno at hingal na hingal..Hindi ko pa man nakikita ang babae alam kong siya yun..Si Drea! "Stop"anas niya..Putik...buti na lang mabagal ang patakbo ko kung hindi baka nasubsob na kami sa biglaang preno ko.. "Dito na ba ang inyo?Inilibot ko ang paningin ko..Kakahuyan lang nakikita ko.Wala namang bahay o palatandaan na may nakatira sa lugar na iyon.. At tama ako hindi pa dun ang bahay nila dahil sa pag iling niya..Pinayagan niya kong ihatid siya pero hundi sa mismong bahay nila..Bakit? "Lalakarin ko na lamang..Malapit na din naman..Salamat at pasensiya na sa abala" Akala ko ay bababa na siya matapos niya magbigay ng pasasalamat.Pero nagulat ako ng bigla niya ko yakapin at binulungan ng salitang hindi ko maintindhan... Nagbilin pa ito bago tuluyang bumaba "Umalis ka na dito ngayon din..Diretso lang.Huwag kang lilingon..Yan lang ang tang kong magagawa para sa iyo!" Kinilabutan ako sa sinabi niya..Oo at kilala sila bilang mga Mangkukulam..ano ang dahilan ng babala niya?! sinunod ko ang sinabi niya kahit gustong gusto kong lumingon..ni tingnan ang rearview mirror ay hindi ko ginawa basta diretso lang ako hanggang makalabas ng kakahuyan..At buti nalang hindi siya lumingon..dahil may mga mata sa dilim ang nakasubaybay sa kanya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD