Madilim..tanging mga kandilang nakasindi paikot sa parang altar ang nakasindi...napatingala ako at nakitang kabilugan pala ng buwan ngayon!
araw ba ng sakripisyo?Ito ang unang beses na masasaksihan ko ang kinagisnang gawi na iyon ng aming lahi..Na tuwing kabilugan ng buwan ay kinakailangang mag alay ng dugo laman at buhay..upang hindi mawala ang mahikang taglay ng aming angkan..Nararapat lang na panatilihin ang enerhiya sa lupa kaya ginagawa ang pag aalay!Pero hindi kami kumikitil ng buhay..Yun ang pagkakaalam ko!Ang dugo ay tumutukoy sa ilang patak ng dugo na manggagaling sa isang kalahi naman na may taglay na naguumapaw na enerhiya..Kinakailangan bumawas ng ilang patak ng dugo sa kung sinu man ang nakatakda sa taong iyon para hindi maging mapamuksa ang mahikang tataglayin niya..At sa taong iyon..Si RiverDolly na kakambal niya ang pagkukuhanan ng dugo..Siya ang panganay ng sampung minuto pero si River ang kukuhanan ng dugo..Kaya mas kinagiliwan siya ni Nanay sa kin.Hindi naman na din ako tutol dun..sadya naman malakas ang aura ni River..
Ang laman ay manggagaling sa kung ano mang mabangis na hayop na makukuha ng tribo..Ang laman nito ang sasagisag bilang pananggalang namen sa kung sinu man ang nagnanais na gawin kami ng masama..Mas mabangis na Hayop mas malakas ang magiging proteksyon namen..
At BUHAY...Isang lalaking pinag alayan ng puso ng kung sino man sa aming lahi..Siya ang sasalo ng lahat ng enerhiya na babalik sa earth sa pagtatapos ng pagtitipon..Kung malakas ang physical at pagnanais na labanan ang sobrang init na enerhiya na ibabalik ng mundo...Tiyak ang happily ever after.Pero iilan lang ang nakakaligtas sa pag aalay dahil kadalasan hindi naman kasi sapat ang pag ibig na nabuo.Hindi sapat ang pag ibig upang ipaglaban..Nanaig ang kahinaan ng mortal.Hindi naman mamamatay ang Alay na Buhay..subalit mawawala ang alaala nito sa babaeng minahal o nakaulayaw..Tanging ang alaala bago ang pagtatagpo ang matitira..
Nung nakaraan lang namen nalaman ang tungkol dun.Sinabi na sa min ni Nanay para hindi na kami magulat kung may makikita man kaming lalaking nakahiga sa altar na ginawa para sa pagaalay.ito marahil ang dahilan kung bakit walang lalaki sa angkan nameng mga Salvacion...
Magsisimula na ang sakripisyo...Naririnig ko na papalakas na orasyon ng mga kalahi ko..Kninong mahal ang sasalo ng lahat ng enerhiya?Dalangin ko ang kaligtasan niya habang palapit ako sa altar..Walang sinuman sa amin ang nakakakilala sa magiging alay na BUHAY maging ang babaeng minamahal nito ay walang ideya..May palatandaang ibibigay ang kanilang mga ancestor upang malaman ang lalaking itinakda..Ito Markang mabubuo sa dibdib ng lalaki..Sabi nila lalabas daw ang senyales ilang araw bago ang nakatakdang pag aalay.At kung hindi magiging matagumpay ang pag aalay..Lalabas ang marka sa kaliwang braso ng babaeng minahal..
Lalong nagdilim ang kalangitan..dahil nagtatago na ang bilog na buwan sa mga ulap.. malapit na ko sa altar subalit hindi ko pa nakikita ang mukha ng lalaki dahil sa mga nakapalibot na kalahi ko na umuusal ng orasyon..Namataan ko din sa unahan si River na tapos ng mag alay ng dugo..napaling ang paningin ko sa altar kung saan nakahiga ang lalaki...Nanlaki ang mga mata ko...Hindi!Hindi maaari.....
Si KEVIN Mikael Ferrigo ang nakahimlay.Siya ang alay!Paanong...Bakit....
Hindi ko na nagawang magtanong pa..Ng biglang kumirot ang kaliwang braso ko..Ang sakit..ang init..Sobrang hapdi na parang hinihiwa ang balat ko...napaluhod ako at tuluyang naiyak..
"Aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhh"
Aahhhray!Aray?!Tiningnan ko ang braso..Wala naman masakit dun..ang masakit ay ang ulo ko dahil nauntog ako sa double deck na higaan namen ni River..
Wait nasa higaan ako at ng mapatingin ako sa orasan sa dingding ay alas tres ng umaga palang..Kaya naman pala hindi nagising si River sa sigaw ko..Tulog mantika kasi ito..Oh sumigaw ba ko?Hindi ko na alam.Hindi ko na din alam kung bakit napanaginipan ko yun..Isang pangitaing malabong mangyari..Kahapon ang huling beses na magkakaroon ako ng interaksyon sa mga Ferrigo!Kaaway sila ng pamilya..Wala silang puwang sa mundo ko....
Pinilit kong makatulog ulit habang hinihilot ang ulo ko at baka magkabukol pa lalo akong magiging center of attraction...Unti unti...hinahatak na ulit ako ng antok..
Mataas na ang sikat ng araw ng magising ulit ako..kaya't dali dali na kong bumangon..gustuhin ko mang manatili pa ng matagal sa higaan ay hindi na maaari dahil tiyak na mahuhuli na ko sa klase kung matatagalan pa ko ng ilang minuto sa kama..
Umupo ako sa hapag.Naabutan kong nag aagahan na si River.May sunny side up,tuyo,tocino at sinangag sa mesa.Inilapag ni nanay ang umuusok pa ng tsokalate sa tabi namen ni River.We both dont drink coffee...ilan sa mga konting bagay na pinagkapareho nameng kambal..
"Huwag mo na uulitin magpagabi ulit Andrea"
Tumango ako kay Nanay.Kataka takang wala akong narinig na sermon kay nanay kagabi
Nhuli kong nagpalitan ng makahulugang tingin si Nanay at River..Pero hindi ko na pinagtuunan masyado ng pansin dahil mahuhuli na ko sa klase kung kayat binilisan ko na ang pagkaen..Sanay naman na ako ng parang laging may pinaguusapan ang dalawa na hindi ko alam..
Walang pagmamadali sa kilos akong naglalakad papasok sa gate ng University..Maaga ako nakarating ng school dala ko si broomy(obvious ba sa name kung sino o ano siya?hehe)..Iniwan ko lang sa pinakamalapit na pwedeng pagtaguan.Wala naman siguro makakita non dun kasi lagi ko naman yun naiiwanan.Tagong parte pati iyon kaya malabong may makapansin
Papunta na sana ako sa una kong subject para sa araw na iyon..nang mapadaan ako sa maraming estudyanteng nakatingala sa flag pole.Wala naman akong pakialam sana sa kung ano man ang pinagkakaguluhan nila ng mabanggit ng isa sa mga naroon ang pangalan ko..o ang apelyido naman sa tamang sabi...
"Salvacion ang may gawa niyan!
"ou nga..Salvacion tiyak yan!sang ayon na ng ilan
Kahit ako nangilabot sa nakita ko...isang duguan na itim na uwak ang nakasabit sa taas..Pinana ito na naging dahilan ng kamatayan nito...Walang sinuman ang mangangahas maglagay nun dun..Kung ano man ang motibo ng kung sino man ang naglagay niyon ay walang nakakaalam..Pero tiyak na isang pagbabanta ang ibig nitong iparating..kung para kanino ay walang nakakaalam..Isa lang ang tiyak...Ako na agad ang sinisisi sa pangyayaring iyon..at mukhang hindi ko maiibigan ang mga susunod na pangyayari dahil nakita na ako ng mga estudyantemg nagkukumpulan kanina at palapit na sila sa akin...Hinanda ko na ang sarili kong masaktan..Sanay nanaman ako..Pero hindi ako pwedeng gumamit ng salamangka..Isa sa napakaraming pinagbawal ni Nanay sakin ng mapapayag ko siyang sa Galakdangan University ako pumasok...Hindi na ako makaalis sa kinatatyuan ko sapagkat alam kong kahit anong takbo naman ang gawin ko..hahabulin din naman nila ako..kaya naman pikit mata ko na lang inaantay kung ano man ang gagawin nila sa akin..Maaaring magiging duguan ako pero hindi ko hahayaang makapanakit ako ng tao....Hindi pa ngayon....