HINDI ang ganitong klase ng 'breakfast date' ang inaasahan ni Cassy nang magising siya ng umagang 'yon. Ang breakfast date na nasa isip niya bago siya matulog kagabi, si Roarke ang kasama niya. Gusto kasi niyang pakainin ito ng breakfast meal sa paborito niyang fast food chain. Naaaliw siya sa tuwing kumakain ito ng mga pagkain ng 'normal' na taong gaya niya. "Hindi mo ba nagustuhan ang food?" tanong ni Madam Serranilla sa pantay na boses habang eleganteng hinihiwa ng bread knife ang crepe. "Puwede kang um-order ng iba kung gusto mo, Cassy." "Ay, hindi po," magalang na sagot ni Cassy, saka niya mabilis na binalikan ang pagkain sa pancakes with maple syrup niya. "Ang sarap nga po ng pancake nila dito." Ngumiti lang ang ginang pero halatang hindi umabot ang ngiti na 'yon sa mga mata nito

