MARAMING tao sa malawak na event hall para sa nagaganap na comic convention pero nahagip agad ng mga mata ni Koji si Blossom. Sa tangkad nito, imposibleng hindi agad niya ito mapansin kahit pa nakasuot ito ng black cap para itago ang golden hair nito na nakatali sa isang messy bun. Naka-dark sunglasses pa ito para siguro takpan naman ang berdeng mga mata. Bakit mag-isa ka, Blossom? Tinakasan mo na naman ba ang mga Knight mo? Tss. Ang kulit mo. The princess wore a sleeveless gray crop top, high-waist skinny jeans, and white sneakers– a somewhat casual attire. Pero kahit masasabing low profile lang ang ayos ng dalaga, pansinin pa rin ito dahil sa nag-uumapaw nitong karisma. Kahit nakatayo lang ito sa harap ng isang stall at namimili sa mga ibinebentang Filipino comic books sa store na 'yon

