Chapter 44: Princess in Danger

951 Words

NAWALA lang sa prinsesa ang atensiyon ni Koji nang meron siyang mahagip ng tingin na panibagong 'twin tower.' May dalawang matatangkad at malalaking lalaki ang nakatayo malapit sa entrance ng malawak na event hall na hindi kalayuan sa puwesto nila ng prinsesa. Huminto kasi ang dalaga sa store na nagbebenta ng drawing materials at manual kung paano mag-drawing ng anime characters. Kumunot ang noo niya nang mapansing itim ang suot ng dalawang lalaki. May black bullcap ang mga ito na nakababa ang visor sa mukha. Nakasuot din ng shades ang mga ito. Ewan ba niya pero kahit hindi nakaharap ang dalawa sa direksyon nila, nararamdaman pa rin niyang nakabantay ito sa kilos nila. O mas tama bang binabantayan ng dalawa ang kasama niyang prinsesa? Don't be judgmental, saway niya sa sarili na mabilis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD