"ARE YOU okay, sweetheart?" Kinalimutan na ni Blossom ang tampo sa mommy niya nang makita niya itong pumasok sa kuwarto niya sa mansiyon nito kung saan siya inuwi ni Roarke. Ang mansiyon daw kasi ng mommy nila ang pinaka-safe na lugar para sa kanya dahil naroon ang mga Knight nila. Mula sa pagkakaupo sa kama niya ay tumayo siya tanggapin ang mahigpit nitong yakap. "Were you hurt, my princess?" nag-aalalang tanong ng kanyang ina habang hinahagod ang likod niya. "'Wag ka nang matakot kasi nandito na si Mommy, okay? But are you sure you're okay?" Tumango si Blossom. "Yes, Mommy. Wala namang masamang nangyari sa'kin kasi dumating agad si Prince Roarke at ang mga Knight niya. Saka kasama ko si Koji kanina kaya naging aware ako na may sumusunod pala sa'kin. Pinrotektahan niya ko kaya naging

