"Is it too late to fight back?" *** NAGTATAKA si Cassy kung bakit pinagtitinginan siya ng mga schoolmate niya. Pero kahit hindi niya alam kung bakit, sigurado siyang na-involve na naman siya sa kung anong gulo. 'Yon nga lang, wala siyang ideya kung ano 'yon. Mukhang one week lang ang itinagal ng pananahimik ng bullies, ha? Pagdating niya sa classroom, nagulat siya nang makita si Astra– kaklase niya at scholar din na gaya niya– na nakaupo sa mesa nito habang basang-basa. Katatapos lang ng 10 o'clock break time nila na tumatagal ng thirty minutes kaya nakakagulat na ganito ang naabutan niya pagbalik ng klase! Isang tingin pa lang sa nagtatawanan nilang mga kaklase, alam na niya agad na napag-trip-an si Astra. Pero gusto pa rin niyang malaman ang buong nangyari. "Astra, anong nangyari

