"Sometimes, you only realize you need help when reinforcement comes." *** "CHASE Serranilla is okay. Thankfully, hindi naman nabali ang ilong niya kaya hindi na natin siya kailangang dalhin sa ospital. Ginamot at nilinis na namin ang mga sugat at pasa niya kaya wala ka nang dapat ipag-alala, Blossom." Nakahinga ng maluwag si Blossom sa sinabi ni Dra. Chua sa kanya. "Thank you, Doc. Pupuntahan ko lang muna si Chase." Nakangiting tumango ang doktora. "Sure. Tawagin niyo lang ako kung kailangan niyo ko." Tumango lang siya, saka siya dumeretso siya sa parte ng clinic kung nasaan si Chase. Kanina, nang umalis si Koji kasama ang adviser nito, nagpatulong naman siya kay Xia na dalhin ang pinsan niya sa clinic. Kahit pa sabihing madalas silang magkaaway, magkadugo pa rin sila at anim na taon

