Chapter 21

1034 Words
WARNING! REIJI’S POINT OF VIEW Huminto ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada, headlights cutting through the dark like a warning rather than a guide. Bumaba ako ng kotse at agad na naningkit ang mga mata ko dahil pansin ko na sobrang tahimik ng buong lugar. Walang ilaw na nagmumula sa mga bahay na nasa paligid. Hindi ko nga maintindihan kung bakit sa dinami-dami ng lugar na pwede niyang puntahan ay dito pa talaga. At dahil na dito na ako ay wala na akong magagawa. Napabuntong-hininga na lamang ako at agad na isinara ang pinto nang kotse sa marahan na oaraan, at awtomatikong gumalaw ang katawan ko sa dating nakasanayan... alerto, maingat, mata ang unang gumagalaw bago ang paa. “This better be worth it,” mahinang sambit ko habang sinusuyod ang paligid. Isang lumang gusali ang nasa harapan ko. Sarado ang bakal na gate, at kahit nasa malayo pa ako at naaamoy ko na ang kalawang. Lumapit ako sa gate at dahan-dahan iyong itinulak pabukas. At dahil nga kalawangin ay gumagawa ito ng mahinang tunog. Lumingon-lingon muna ako sa paligid bago ako tuluyang pumasok sa loob. At ang bawat tunog ng sapatos ko sa simento ay parang masyadong malakas dahil sa matinding katahimikan na naghahari sa paligid ko. Maya-maya pa ay sinilip ko ang bawat sulok, bawat anino. Pero wala akong nakitang anino, at kahit presensya amn lang ng tao ay hindi ko maramdaman. “Gago ka ba?” I hissed, this time directed at myself. I reached for my phone and dialed his number. Walang sumagot ng unang beses itong tumunog kaya muli kong tinawan ang kanyang numero. Pero gano'n pa din ang resulta. Walang sumasagot. Bumagsak ang balikat ko at humigpit ang pagkakahawak sa cellphone. Ramdam ko ang pag-akyat ng inis... sa dibdib ko. "Where the hell are you, Jeffrey?!" singhal ko sa hangin. Akmang tatalikod para lumipat sa ibang direksyon, nang may marinig akong ingay mula sa hindi kalayuan... sa aking likuran. Napalingon ako sa gawing iyon. At sa ibabaw ng lumang kahon, bahagyang natatakpan ng alikabok... ay ang isang cellphone. Umiilaw ang screen nito, pero walang tunog. Dahan-dahan akong lumapit. At vawat hakbang ay mas mabigat kesa kanina. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang screen. Incoming call: Reiji Veynar Nanlamig ang batok ko. So he was here. m Agad kong pinindot ang end call at ibinaba ang kamay ko. Mabilis akong lumingon sa paligid, pakiramdam ko’y may matang nakamasid sa bawat galaw ko. “Put*ngina…” marahan kong mura. I was already turning my back on the place. Whatever this was... trap, a f*cking prank, or even a warning... it wasn’t going to give me answers tonight. My jaw was clenched as I headed back toward the car, keys already in my hand, as the irritation crawling up my spine. Then, my phone rang. Huminto ako upang muling iyong tingnan. And it was actually my superior. I straightened instinctively, shoulders squaring even though no one was around to see it. My thumb hovered for half a second before I answered. “Yes, sir,” I said, voice steady. There was no greeting on the other end. Just a pause.. a heavy pause like he was deciding how deep to drive the knife. “Agent Veynar,” he said finally, tone clipped. “We just received confirmation.” My grip tightened around the phone. “Confirmation of what, sir?” I asked. My voice was calm, but there's a hint of confusion. Matagal din itong naging tahimik bago niya sinagot ang tanong ko. “One of our agents is dead.” Gumapang ang matinding panlalamig sa sistema ko. Marahas at sunod-sunod ang naging paglunok bago ko muling binitawan ang isang panibagong tanong. “Who?” I asked. And the answer came immediately. "It's Jeffrey.. one of the agents in your team," My blood ran cold. For a moment, I didn’t speak. Not because I don't want to, but because I couldn’t. “That’s not possible,” I said finally, jaw locked. “I was just at the location he sent me. He just sent me a message two hours ago, Sir.." madiin ang pagkakasabi ko ng salitang iyon. Muling umalingawngaw ang malalim nitong pagbuntong-hininga, mula sa kabilang linya. Bakas ang matinding prustrasyon, at alam ko na maging ito at naguguluhan na din sa nangyayari. “Time of death was approximately an hour ago, Reiji.." My eyes flicked instinctively to the spot where I had found the phone. “What's the cause?” I asked, my voice is lower now. “Execution-style,” he said flatly. “Clean. Professional.” My fingers curled into a fist. “He contacted me earlier,” I said. “Said he had something important to tell me.” "And I think that, 'that something'... has to do with this,” my superior replied. “That’s why you’re being informed directly.” A sharp exhale left me. “Sir,” I said slowly, carefully, “his phone was at the meeting location.” Silence. “…I see," tipid niyang tugon sa akin. That single sentence carried weight. Suspicion and implication. “This case is now classified,” the director continued. “You are to stand down and await further instructions.” I stared at the dark building in front of me. The empty space. The absence that suddenly made sense. “Yes, sir,” I answered. The line went dead. And I already lowered my phone. Mula sa aking kinatatayuan ay tinanaw kong muli ang gusali na nasa aking harapan. Mabigat at malalim ang bawat paghinga na siyang aking binibitawan. Gulong-gulo na sa lahat ng nagyayari sa paligid ko. Pakiramdam ko ay palagi akong sinusundan ng kalaban ko, pakiramdam ko ay alam nito ang bawat galaw ko at lagi lamang iyong nakamasid sa akin. Nang sumagi sa isipan ko ang mga bagay na iyon, ay napatanong ako sa sarili ko. That, what if... the enemy has always been by my side, since then. And what if... I know exactly who it was, but I'm just a coward and weak enough, not to accept it. At kung tama man ang iniisip ko, ngayon pa lang ay dapat ko nang ihanda ang aking sarili. TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD