Chapter 81 Zhannia PAGDATING namin sa kanyang cottage, halos mabuwal na si Khail sa sobrang kalasingan at ang bigat ng katawan niya, pero sinikap kong alalayan siya na hindi matumba. Pakiramdam ko mas lalo siyang bumibigat habang papalapit kami sa pinto. Pagkatapos kong mabuksan ang pinto, dahan–dahan kaming pumasok, at sa wakas, narating ko ang kama. "Okay, Khail, you need to lie down," sabi ko, habang hiniga ko siya nang dahan–dahan. Pero bago pa man ako makalayo mula sa kanya, bigla niya akong kinabig at sabay kaming bumagsak sa ibabaw ng kama, ang bigat ng katawan niya'y dumagan sa akin. Napasinghap ako, hindi ko magawang kumilos dahil buong bigat niya ay nasa akin. "Khail, ano ba!" sabi ko, itinukod ko ang dalawang palad sa dibdib niya at tinangkang itulak siya, pero huli na nan

