Chapter 80 Zhannia SABAY kaming napalingon ni Khail nang biglang bumalya ang pinto ng kusina at pumasok si Michi. Kita ko sa mukha ng bata ang pag–aalala, tila narinig ang malakas na kalabog kanina. "Nanay, Tatay, fight ba kayo?" inosenteng tanong, habang kinuskoskos ang mga mata na tila ba inaantok na. Nagkatinginan kaming dalawa. Na para bang kailangan naming magpaliwanag sa bata na wala siyang dapat ikabahala. Lumapit si Khail sa bata, at lumuhod sa harapan ni Michi at hinawakan ang kamay ng anak. "No, baby," sabi niya, kalmado pero mababanaag ang bigat sa kanyang boses. "Nanay and I were just talking, okay? Were not fighting." Tumingin si Michi sa akin, at agad akong lumapit sa bata. Hinaplos ko ang kanyang buhok at matamis na ngumiti, trying to act normal in front of her para hi

