Chapter 82 Part 02 Mikhail WALANG pagdalawang isip, kinaladlad ko si Tessa palabas ng cottage, hindi ako makapaniwala na bigla siyang sumulpot dito matapos umalis ni Yanna. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla, pero alam kong may masama itong binabalak. Umahon agad ang galit sa dibdib ko, lalo na't malinaw na tama si Yanna, Tessa nga ang nakita niya kanina. "Yanna, is right," galit kong sabi. "Ikaw ang nakita niya kanina! Paano ka nakalabas sa kulungan, Tessa?" I shouted her savagely, na halos ikapugto ng hininga ko. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya, pero pilit niyang nilalabanan ang takot at pagmamakaawa sa kanyang mga mata. Talagang masama ang babaeng ito at walang hiya, magpapakita siya sa akin para lang akitin ako. Oo, lasing ako pero malinaw ang mga mata ko. At si Yanna

