Chapter 83 Mikhail DAHAN–DAHANG napaluhod ang lalaki, hawak–hawak ang dibdib niya, kasabay ng pagbulwak ng dugo sa bibig niya. Ang dugong galing sa bibig niya ay tumalsik pa sa braso ko. Napatulala ako saglit, parang bumagal ang lahat ng nangyayari sa paligid. Unti–unti akong lumingon kung saan nanggaling ang putok. Sa may hagdanan, nakita ko si Adrian, may hawak na baril, at sa likuran niya, nakatayo si Yuan. Pareho silang naka–focus sa nangyayari, furious, lalo na si Adrian, na tila walang pagdadalawang isip sa ginawa niya. Walang nagsalita sa amin. Lahat kami nakatitig lang sa lalaking nasa sahig, na tuluyang bumagsak at tila wala ng buhay. Makalipas ang ilang segundo bumaling ang atensiyon namin kay Yanna, na parang nawalan ng malay habang nakahandusay rin sa sahig. Halos sabay–sa

