Chapter 65 Zhannia PAGKATAPOS kong magluto ay naglinis ako ng bahay, narinig kong bumukas ang pinto. Akala ko si Michi, pero paglingon ko, nakita ko si Manang Nita na bitbit ang mga pinamili galing sa kabilang Isla. May mga plastik ng gulay at prutas, at ilang pakete ng mga rekado. Ang dami niyang pinamili, lumagpas ang tingin ko sa pintuna. Mula sa bangka ang dami pang binaba, mga naka–karton. Sinalubong ko ang matanda at nagmano. "Mukhang ang dami mong pinamili, Manang?" "Oo nga, Anna," sagot niya, ibinaba ang mga bitbit sa mesa. "Kailangan natin ito para sa mga guests natin. Tinawagan ako ni Mayor, alam mo naman dati nila akong katulong. At alam niya ang tungkol dito sa resort mo, may magche–check–in sa linggo, kaya dapat handa tayo," masayang balita nito sa akin. Nangislap ang mga

