Chapter 66 Zhannia WINAGLIT ko sa isip ko ang pangit na nakaraan. Tulad ng sabi ko, hindi ko na babalikan ang mga pasakit sa nakaraang buhay ko. I'm going straight forward. Pagkatapos kong maligo, mabilis akong nagbihis at pupuntahan si Michi sa kapitbahay, oras na para matulog siya. Pagdating ko sa bakuran ng kapitbahay namin, bumungad agad sa akin ang isang masayang eksena—ang anak kong si Michi, naka–doktor coat, hawak–hawak ang kanyang laruang stethoscope kunwaring ginagamot ang mga kalaro niya. Seryoso animo'y matanda. "Okay, listen...breath in...breathe out..." sabi niya sa isang batang lalaki na halos kasing –edad niya. With matching beautiful smile pa na nakaplaster sa kanyang mukha, animo'y isang tunay na doktor habang sinusuri ang "payente" niya. Abot tenga ang ngiti ko sa

