Chapter 60 Part 02 Mikhail "PATAY na si Ate, Khail," singhal sa akin ni Tiger. "Wala ka nang magagawa para baguhin iyon." Those words hit me hard. Hindi ko sila masisi, kung saan galing ang galit nila. They are right. Wala akong magagawa. "I know," mahina kong sagot, pilit pinipigilan ang emosyon at magpakumbaba. "Wala nang makakabago sa nangyari. Pero...araw–araw kong pinagsisihan ang lahat. Hindi ko inakala na...ganito ang magiging kahantungan ng lahat." "Kung ganon, bakit mo siya nagawang saktan?" singot ni Wild, galit ang boses. "Bakit mo siya pinabayaan?" Umiling ako. Kahit ako hindi ko rin alam kung bakit nga ba, nagawa ko iyon? Paano nga ba ipapaliwanag ang isang bagay na hindi ko rin maintindihan? "Hindi ko intensiyon na saktan siya," mahina kong sabi. Nagtama ang mga mata

