Chapter 60 Necklace Part 03

1691 Words

Chapter 60 Part 03 Mikhail POV KITANG—KITA ko ang gulat sa mukha ni Tessa Halos hindi siya makakibo, pero sa kabila ng lahat,nagawa pa rin niyang magsalita siya, upang pilit na ipinagtatanggol ang sarili niya. "Khail, ako... ako talaga ang nagligtas sa’yo. Hindi kita niloloko. Totoo ‘yong sinabi ko! Ako ‘yon!" Nanginginig ang boses niya, ngunit nakikita ko ngayon ang kasinungalingan sa mga mata niya. Pero hindi ko na magawang paniwalaan ang kahit ano sa mga sinasabi niya. Ang galit sa dibdib ko ay tuluyang nag-apoy, at sa mga mata ko’y wala nang ibang makikita kundi ang katotohanang matagal nilang itinago sa akin. Nanlilisik ang mga mata kong nakatitig sa kanya. "Tessa," mariin kong sabi, habang pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko, pero ramdam ko ang panginginig ng buong kalamnan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD