Chapter 69 Part 02 Zhannia MASAYA pala kapag nagtitinda sa gilid ng kalsada, samahan pa ng anak na masayahin, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Halos ubos na ang mga lumpiang gulay at Shanghai na pinaghirapan naming balutin kanina. Sulit ang pagod. Pero bigla akong napatigil. Si Michi… nasaan si Michi? Kanina lang nasa tabi ko siya, tumutulong sa amin at naglalaro, pero ngayon… Nataranta ako, mabilis kong nilibot ang mata ko sa paligid. "Michi? Michi!" tinawag ko siya, ngunit wala akong narinig na sagot. Tumayo ako, at nagtanong sa kapwa tindera sa tabi. "Manang, nakita mo ba ‘yung anak ko? Si Michi?" "Oo, Anna. Kanina ko pa nga nakitang pumunta doon sa may motorcross area,” sagot ni Manang Esme habang tinuturo ang direksyon. Naisip ko baka sumunod kay Manang Nita, nawala rin ang matand

