Chapter 69 Part 01 Zhannia MADILIM pa lang ang paligid ay gising na kaming lahat, maliban sa aking Michi na tulog pa. May kakaibigang excitement akong naramdaman dahil sa dami ng event na gaganapin ngayong araw. Napatingin ako sa paligid abala ang lahat kanya–kanyang paghahanda at luto. Inilabas ko ang mga ingredients na gagamitin ko, sabik akong simulan ang aking specialty—lumpiang gulay at lumpiang shanghai. Gusto kong marami akong magawa, hindi lang para sa paninda kundi para na rin sa mga bata sa Isla na hindi nakasama. Gusto kong siguraduhin na may maiiuwi ako sa kanila. Kapag nakaluto na ako agad akong magtatabi para sa kanila. Kumakanta ako. Habang hinihiwa ko ang mga gulay, nang biglang pumasok sa isip ko ang lalaking nakita ko kahapon sa loob ng van. Parang si Khail, bulong

