Chapter 77 Zhannia PAGKATAPOS naming mag–almusal ni Michi ay iniwan namin sina Khail at Adrian. Tahimik kaming pumasok sa bahay para paliguan siya. Habang pinapaliguan ko siya, napansin kong parang may gusto siyang tanungin. Tumitig siya sa akin bago ngumiti. "Nanay," sambit niya, "pagkatapos natin maligo, pwede isama ko ang doktor–doktoran kong laruan? Kapag aalis na tayo, sasama kay Tatay mamaya." Napangiti ako sa hiling ng anak ko, walang namang problem. Bagay naman sa pupuntahan namin mamaya dahil medical mission iyon. "Sure baby." Matapos naming maligo, agad kaming nagbihis. Pareho kaming naka–sundress ni Michi bagay naman sa Isla ang ganitong damit, tamang–tama dahil summer naman. Excited na naunang lumabas si Michi habang bitbit ang kanyang mga laruan. Ako naman ay abala sa pa

