Kumakain ng agahan sina Hanna at Logan nang makarinig sila ng tunog ng isang sasakyan. Dali-daling pumunta si Hanna sa front door at naka steady roon habang si Logan naman ay pabalik-balik ng lakad sa sala. Sininyasan ni Hanna si Logan na pumasok muna ito sa kanyang kwarto bago pa nya bubuksan ang pintuan. "Sisiguradohin ko muna kung sya nga yon." bulong ni Hanna kay Logan. Binuksan na ni Hanna ang front door at sakto namang naroroon na si Kurt sa may veranda. Napatigil ito sa kanyang paghakbang ng makita nito si Hanna. Ngunit nginitian lamang nya ang babae at saka patuloy na humakbang papalapit rito. Hanna thought she'd never felt such instant rapport with anyone in her life. Sa simpleng tingin lang nya sa lalaking dumating, made her feel safe and warm. Kahit na rugged ito, pero infair

