Kasalukuyang abala si Hanna sa pagliligpit sa mga pinagkainan nila. Kakatapos lang din nyang magwalis sa kitchen floor. And all the while what she really wanted to do was peek into Logan's room to see what he was doing. Natutulog kaya sya? or di kaya nag-iisip na naman sya sa nangyari sa kanila ni Sydney? Paurong-sulong naman sya kung papasokin ba nya ang kwarto ng lalaki para silipin ito o hindi. Kung mahuli kasi sya ni Logan na pumasok sa kwarto nito, idadahilan nalang nya na kukunan nya ito ng temperatura. Pero ang tanong, kakayanin kaya nya? eh pag nagkataon invasion of privacy na yon. Pero mabuti nalang nagbago ang isip nya, at sa halip ay pumunta sya sa workshop para ipagpatuloy nalang ang mga hindi pa nya natapos na paintings. She painted until her head and eyes ache

